Devisee
"Sweety, I think someone's knocking outside..."
"It's late, dear. Wala nang mag-aabala pa satin sa ganitong oras. Rest now. Take Theana upstairs."
I saw my parents. I can see both of their faces. Ramdam ko ang mga braso ng ina kong nakapulupot ng mahigpit sakin. Mulat ang mga mata ko at wala akong magawa kung hindi titigan ang mga mukha nilang may pag-aalalang nakatitig pababa sakin.
Isang panaginip ba ito? Pinaglalaruan ba ako ng isipan ko?
...o isang alaala?
"Tulong! Tulong..."
Sabay napalingon ang mga magulang ko sa pintuan. Tanging ang sindi lang nga apoy mula sa mesang nakapatong sa likuran nila ang nagsisilbing ilaw sa mga mata ko para maanig sila.
May kumalampag ng paulit-ulit sa direksyong tinititigan nila. Sa pintuan. May sumisigaw sa labas ng pintuan.
"Huwag mong buksan!" My mother suddenly shouted when my father took a stepped away from us. "It might be someone..."
"Take the baby upstairs, Terese." My father firmly muttered again.
"T-Tulong... Parang awa niyo na. H-Hindi nila ako pwedeng makita... T-Tulong!"
The small voice continuously shout outside amidst the sound of rain on the wooden ceiling. We have so little, a simple house in a far away town, a town as an outcast to civilization. And it was home.
Wala akong ni katiting na naging alaala sa lugar na ito. Ilang taon ba ako sa mga matang ito? Sa katawang ito? I can barely move a part of my body and I am so still. I could only see so little. Ang dulo ng paningin ko ay bigla nalang lalabo sa tuwing pipihitang ulo sa ibang direksyon.
Tanging gitna lang ang makikita ko. Ang ibang dulo ay malabo na at tila mga kumikislap na parte na lamang. It's like the flicker of flying wings, I'm not sure if I'm really seeing it.
An infant's eyes. This was how I saw the world before.
All things are pure because they were blurry. The world was blurry.
"Tulong!"
"Boses ng bata..."
"S-Sinong... Bilisan mo. Open the door! Sinong mga magulang ang iiwan ang anak sa ganitong oras ng gabi?" My mother absurdly said.
I heard the shrieking of the door. Hindi ko magawang bumaling ng tingin sa ama ko dahil hindi inaalis ang tingin ko sa munting lampara na nakapatong sa lamesa. Ang paggalaw ng liwanag sa loob nito ay ang munting libangan ko noon.
"Anong nangyari sayo, hija?"
Nawala ang lampara. Kumawala ang maliit na iyak sa bibig ko, hindi dahil sa pagkawala nun. My mother held me too tight. Bahagyang lumagas ang nakatapis sakin sa bahagyang pagtakbo niya. Naigalaw ko na ang mga kamay ko.
I felt my mother kneeled on the floor and it wasn't just me who's crying.
I caught a glimpse of my small hand. It was smaller than I expected. Ilang buwan pa lang ba ako rito? Why does it have to be in this memory?
"Anong pangalan mo, magandang bata? Nasaan ang iyong mga magulang? Alam ba nilang narito ka?" My mother's soothing voice asked someone.
"K-Kayo po ba ang babaeng walang kakayahang magdala ng s-sanggol? You're barren, right? Saan niyo po nakuha ang sanggol na nasa inyo?" Sunod-sunod na tanong ng kung sino mang bata ang nasa harapan ng mga magulang ko ngayon, tila hindi nito narinig ang unang tanong ng nanay ko.
BINABASA MO ANG
Intruded Trails (Van Doren Series #1)
FantasyVan Doren Series #1 (Completed) Book 2 of The Last Intruder Witness the return of the last intruder, unborn Queen. Genre: Fantasy Language: Filipino and English/ Taglish