Twin Castles of Vastramere
"Nagpaalam na kami kay Aredhel..."
I carefully placed the last braid of Relva's hair beneath the other. Mainam kong itinali ang dalawa kagaya ng itinuro ni Tita Fatima atsaka maingat na muling ibinalighot sa unang tali.
Napatingin ako kay Indis na katatapos lang ring ayusin ang buhok. Hyrion was sitting on her lap while she covered him with long cloths for the long journey later. Malungkot na ngumiti si siya sa sinabi niya. Ramdam ko ring natigilan si Relva.
Tumikhim siya. "Babalikan naman natin siya dito..." Tugon niya sa kapatid.
I slightly combed Relva's hair. Napangiwi ako nang mapansin ang isang maling hibla. Nilagas ko muli ang parteng iyon. Why can't I do this in one try?
"Saan niyo siya inilibing?" tanong ko.
"Tumulong ang ravensiel ng daigdig sa paglilibing sa kanya, Devisee. May sariling kalalagyan ang kapatid namin." Sagot ni Indis.
Glinda.
I smiled. "Take Aredhel with us, Indis."
Nanlaki ang mata niya. She bit her lip and slowly nodded. Tumayo siya at inilapag si Hyrion sa upuan niya bago lumapit sakin. Bahagya siyang yumakap sa braso ko at sumandal sa balikat ko.
"Maraming salamat, Devisee..." Bulong niya.
"A-Ayos lang po ito sa inyo? Hindi po nagpapasok ang Vastramere ng bangkay... o kahit sinong kagaya namin. Baka magiging pabigat lang kami kapag may nangyari," nag-aalalang saad ni Relva.
Napahakbang ako at tinignan ang kabuoan ng buhok ni Relva. A little loose but it's tightened and fixed enough. Kumalas si Indis at alalangang napatingin rin sakin.
"Ako ang bubukas ng pintuan para sa inyo." I assured them.
Natahimik silang dalawa. Sabay silang bumaling sakin na may mga matang puno ng pag-asa. I used to look at the three of them. With Aredhel. Nalagasan na ang unang mga bababeng tinignan ako ng may respeto kahit wala akong kahit anong karapatan sa lugar nila, o maging sa mundong ito. Hindi ko na hahayaang muling mangyari pa iyon.
Niligay ni Relva ang talukbong ko sa ulo at maingat ang mga kamay na tinakpan ang kalahati ng mata ko. Dinagdan niya pa iyon ng belo sa harapan ng mga mata ko. I feel like a statue being sculptured to its perfection. Kahit luma at manipis ang mga pananamit nila rito, alam kong sakin nila pinapasuot lahat ng pinakamaayos na mayroon sila. Isa sa mga bagay na ayaw na ayaw kong ginagawa nila.
I'm not something sacred to be worshipped by many. Kailanma'y hindi pumasok sa isipan ko iyan noong tao pa ako. My dreams were so simple back then, just like wanting to see a raven.
But, here I am.
I have a kingdom behind me, and they are ready to follow the flight of their Devisee.
"Alam niyo po ba, Devisee... Minsan, may mga pagkakataon na nakatitig lang ako sa inyo at iniisip ko kung totoo nga ba kayo o nanaginip lang ako ng isang ravensiel na magliligtas sa amin..." Sambit Relva habang inaayos ang belo sa mukha ko.
Hinawakan niya ang kamay ko kung saan naroroon pa rin ang pantakip na iniligay niya makalipas ang ilang araw ng pagkakaroon ko ng marka. Tinanguan niya ako at dahan-dahang kinalas ang tali roon.
Kumalabog ang dibdib ko at tinitigan ang maingat niyang pagkalas. I was stunned by her words, but I'm more whelmed by this. I never looked at this. Gaano man ang kagustuhan kong malaman ang markang ginawa niya para sakin ay hindi ko ito sinilip.
"Nabanggit niyo sakin noon na ang gusto niyo ay simple at maliit lang. Sa totoo lang... h-hindi po ako marunong gumagawa ng maliit dahil lahat ng Le Erusauvian ay kailangan mapuno ang katawan ng mga ito. Kaya lahat sila ay malalaki ang pinapagawa..."
BINABASA MO ANG
Intruded Trails (Van Doren Series #1)
FantasyVan Doren Series #1 (Completed) Book 2 of The Last Intruder Witness the return of the last intruder, unborn Queen. Genre: Fantasy Language: Filipino and English/ Taglish