Chapter Fifty-five

475 19 1
                                    

Flourish them all

"How are you?"

Natigilan ako ng ilang segundo bago napabaling sa likuran. Napalingon din si Laurent sa kalayuan kasama ang pinakaunang itinalagang hari ng Ravenhelm. Hindi na niya pinasadahan ng tingin pa si Rigor at dumiretso na ng lakad papunta sakin.

They were talking for a while... Hindi ko akalaing makikita ko pa silang mag-uusap ng masinsinan.

I averted my eyes from him to the woman and... to the creature with red eyes who approached. Bukod sa mapupula ang mga mata ng lalaki ay may mga pakpak rin ito. I'm sure it's not a ravensiel's wing or a fairy's. The edges were too sharp and refined. I'm not sure what to call him.

Sora sighed when I didn't answer. Napatagal ang titig ko sa kanya. How am I... I can't believe she asked that. Hindi niya ba nakita ang nangyari? Alam niya ba kung gaano iyon kahirap para sakin?

I wouldn't say I crowned Rigor wholeheartedly, but I did crown him promisingly. Ito ang gusto nilang gawin ko at nagawa ko na. Ravenhelm is free from me and in return, it is renowned as a kingdom that is similar to theirs. It's just hard to decide where to place myself now. Ang totoo niyan ay gusto ko nang umalis. Ngayon na mismo. Sa tuwing umaangat ang tingin ko sa langit at tumatagal pa ang mga paa ko sa lupa, ay pakiramdam ko tinatawag na ako nito.

When Laurent told me there's a place behind the stars, behind the star of Ravenhelm, I felt an awakening. Tila may umuudyok na sakin na tumawid sa lugar na pakiramdam ko ay matagal na akong tinatawag.

Asterin. The hidden place Ravensiels. Where the Devisees before were created. Astraea's home.

May humihila na sa mga pakpak ko paitaas pero hindi pa ang oras. I will stay in Ravenhelm until Rigor formally take over my throne in front of thousands of people he shall protect. The sky needs to wait a little longer for me. Balak ko pang libutin ang buong kaharian. I still plan to walk on every part of Ravenhelm with the faces of the people on each of my sides, with the hands of small children on mine. With their voices calling me. I want to be with them and cherish my last days as the Devisee of Ravenhelm.

Maghihintay muna ang langit para sakin.

Sapagkat kailangan ko pang damhin ang pagmamahal ng mga nilalang na siyang nag-umpisa sa lahat. Kailangan ko pang sakupin ang mga alaala ng lahat rito na pinapangako kong babaunin ko habang-buhay.

"Anong kailangan mo?" Tahimik kong tanong sa babaeng tila inukitan ng ginto ang pagkatao.

The two Le Eruseige on my sides were about to step forward when they noticed but I raised  my hand to stop them. Bahagya akong bumaling sa isa na nadidinig ko na ang pagngingitngit ng ngipin.

"Hihiwain ko ba ang mga lalamunin nila para sa iyo, Devisee?" Paghihingi pa niya ng permisyon sa malalim na boses.

Agad akong umiling. "They are allies now, children of my star..." I touched his weapon and lowered it down. Sumunod naman ang ilan pang nasa likuran. I glanced at the others. "You don't kill allies. You will stood for them if you must one day."

"Ngunit, Devisee..."

Binigyan ko nalang sila ng ngiti bago muling bumaling sa reyna. She looked at the creature beside her and whispered. The man with the most unlikeliest wings gave me a small bow before spreading his wings and hovered the wind.

The Queen stood alone calmly. Pinagsaklop niya ang mga kamay at bahagyang pinasadahan ng tingin ang mga Le Eruseige na nakapalibot sakin.

I sighed heavily. "Afíste mas..." mahinang usal ko.

Intruded Trails (Van Doren Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon