Son
"Mother! He's here. Father's here..."
Sinundan ko ng tingin ang batang tumatakbo. Umuulan ng itim na mga balahibo sa paligid at bumabaybay ang mga ito kasama niya.
Malabo ang pigura ng maliit na bata ngunit alam kong hindi ito ang unang pagkakataong nakita ko siya. Pamilyar ang abo niyang buhok at ang maliliit niyang mga kamay.
I can hear his small laugh as he ran. Tila may malambot na palad ang lumandas sa dibdib ko sa tawa niya. Humakbang ako sa direksyong tinatakbuhan niya at napangiti. He's happy...
Ilang takbo pa ang ginawa niya bago may mga pares ng brasong pumulupot sa maliit niyang katawan. Kasabay nito ang pagsilay ng dalawang naglalakihang mga pakpak at ang biglang panlalabo ng paningin ko sa pagtama nito sa ilaw.
Nahinto ang paglalakad ko at napatalikod ng wala sa oras. Kusang bumukas ang mga palad ko. The dark feathers collided against my palm. I quietly caressed them, and felt nothing.
"Mother..."
Maliit na boses ang tila tumatawag sakin. Dahan-dahang umangat ang tingin ko paalis sa mga balahibo. It was tempting to turn around. There is a part of me that wanted to see them. I wanted to know...
...but this thing in front of me prevents me from looking at them.
"Theana... Baby, no."
Isang napakagandang awit ang boses na iyon sa pandinig ko. It was like a piece of light ripping out amidst my darkness. Gumuhit ang labis na tuwa sa puso ko... pero kahit iyon ay hindi sapat para lumingon ako.
Hinayaan kong pagpadausdos pababa sa mga daliri ko ang mga hawak-hawak kong balahibo at tuluyang hinayaan ang mga iyon na malagas mula sa mga kamay ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa direksyong sumasalungat sa kung nasaan sila.
"Mother, no... Let's go. Let's go home..." It was the sweetest and lulling voice I've ever heard.
Home? Where is home, my little one? I've only known one home and it was not here in this world.
Mas inaasam kong abutin ngayon itong nasa harapan ko. Isang koronang tila matagal na akong hinihintay. The way I'm staring at it now feels familiar. Gusto ko itong mahawakan. Mas gusto ko itong maramdaman sa mga palad ko.
Nagsimulang umangat ang kamay ko para subukang abutin ito.
"Baby, don't. Not yet..."
---
"My sky..."
Napamulat ako sa tawag ni Khaliel at bahagyang napabaliktawas sa higaan. My eyes roamed around my room before sighing. Bumalik ako sa pagkakahiga.
"Ilang beses ko ba itong sasabihin sayo? It's fine. You don't need to wake me if you're leaving. Hindi mo na kailangang hingin pa ang permisyon ko..." mahina at naantok kong tugon.
I closed my eyes again ang let my wings clutched me. Kinulong ko ang sarili ko sa kanila. Nanumbalik sakin ang panaginip at muling napamulat. I heavily sighed. I planned to have the sleep I needed and deserved after these days. Sunod-sunod na mga araw ang wala akong naging sapat na pahinga dahil sa mga pagbabagong pinapatupad rito.
BINABASA MO ANG
Intruded Trails (Van Doren Series #1)
FantasyVan Doren Series #1 (Completed) Book 2 of The Last Intruder Witness the return of the last intruder, unborn Queen. Genre: Fantasy Language: Filipino and English/ Taglish