Chapter Forty-nine

355 20 0
                                    

Dusk is coming

“Gusto kong humingi ng tawad sa lahat.”

Yumuko ako sa lahat ng naririto. Inaasahan ko na ang galit na mga titig nila at pagkabalisa. Walang may sumagot sakin at isa-isa lang silang nag-iwas ng tingin.

We’re in the throne hall. I’m standing near my throne and each of them who witnessed what happened gathered in below me. I started walking down on the stairs of my throne’s sphere. Walang may nagtangkang kumibo sa kanila maliban kay Haring Daniel na lumapit at inalalayan ako pababa.

Le Eruseige were encircling the bottom of the stairs, adjoining themselves as barriers. Habang si Rigor at ang mga kasamahan nito ay nasa isang tabi lamang. Walang kibo na tila mga bato nalang na parte ng maitim na pader. Oya, Sullivan, and some of the preceptors were standing beside the window, bothered. Ang ilan ay nakatulala nalang sa bintana na para bang may inaabangan nang paparating.

I can feel it, too. Ang oras na pinakahinihintay namin simula pa man noon… ay pumapalapit na.

“May tiwala ako sa inyo kaya ko ito sasabihin…” mahinang tugon ko bago pinatatag pa ang sarili. I held my head high and lightly stroke Nyx’s opening wings on my shoulder.

“I, Devisee of Ravenhelm. Revereal to Astraea’s olden wings, the Queen of Trails, and the Ravensiel of Hymns… is bonded to the heir with raven-black feathers…”

Gulantang na napasinghap ang mga preseptor at napabaling sa direksyon ko. Nag-iba rin ang dismayadong mukha ni Oya at bumakas ang pagkamangha. Napaawang ang bibg ni Sullivan sa tabi niya bago napayuko na tila ba may sinusubukang pagtagpu-tagpuin. Sa wakas ay nakuha ko na rin ang atensyon ng mga kawal.

Nyx left my shoulder and started flying around.

“Hymns…” the once king murmured beside me. “I’ve never heard of this kind of power. Anong uri ng kapangyarihan ito, Devisee? At paano? Paano mo nasabing sa iyo ito?” a hint of terror and curiosity was in his voice.

“Siya ba ang nagpaalam sayo ng mga bagay na iyan? Astraea’s wings… Ravensiel of Hymns. He named you those things? At naniwala ka naman? Akala ko ba pamilyar ka na sa mga kalaban mo, Devisee? They lie and kill innocent people than you can imagine. Laurent knows you, and you don’t. Pinapaniwala ka lang niya sa mga bagay na iyan para mas madali kang matalo… Hindi puti ang kulay ng mga pakpak ni Astraea, Devisee.” Matatalim ang bawat salita ni Sullivan.  

Of course, he knew Laurent. A once servant of the Van Doren name couldn’t possibly miss the existence of the heir.

“Sapat na ang kaalaman ko sa limang kaharian. Matagal na akong may galit sa kanila at alam kong ganoon rin kayo. But if we don’t set aside this hatred to them, our rebellion would never stop. I want them to accept that a Devisee can rule peacefully without ruining any balance in Astraea. If I’m here to take what’s there’s, then I’m no different from the Devisees,” saad ko.

“Patawad kung hindi niyo nagustahan ang desisyon ko. Hindi ko rin ito ginusto, pero may mga bagay na ngayon na hindi ko na kontrolado…” The stars. The rival of the sky.

“You can break the bond if you want to!” Oya bursted out. “M-May panahon pa! Your phoenix is a goddess… She can break that bond!”

“Isang malaking kasinungalingan iyan. No one can break a bond from the stars. The only way to break their bond is to kill them both. The Devisee dies and all of us will go back to where we came from. You will rot in the sands until you die and I… I would probably be executed publicly.”

Masamang tingin ang ipinukol ng lahat sa hari. Pinanliitan ko rin siya ng mata at dismayadong bumuga ng hininga. I clasped my hand together. “It’s true. I’m the ravensiel of hymns. Matagal nang lumabas ang kapangyarihan ko ng hindi ko alam…”

Intruded Trails (Van Doren Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon