Music for this chapter on the multimedia above.
I'm sorry for the slow updates huhu kasi naman yung modules nagdedemanda na haha! Tapusin ko daw muna sila para free na ulit. Thank you and enjoy reading!
***
A Kingdom
"Kung magtatagumpay itong binabalak niyo, ikaw ang magiging kauna-unahang babaeng lalabas diyan na hindi nadadaplisan ng karahasan."
Pinili ng apat na lumipad pagkatapos maubos ang lahat. Iniwan akong nakatulala at nasusuka sa lahat ng malalandasan ng mga mata ko sa buhangin.
Huling lumipad si Khaliel na walang imik at ni hindi man lang ako pinansin. I understand. I understand if they don't want to be near me. Kahit tapos na ay hindi pa rin naaalis ang pagkadismaya sa kalooban nila, lalo na kay Khaliel...
Tahimik akong napatango sa sarili. Huling tingin ang ipinukol ko sa madugong paligid at nilunok lahat ng pwede kong matiis bago tumalikod.
My wings folded behind me. They choose to fly above while I choose to walk away from this tent that seemed to have locked us for some time. Once again, I could never forget what happened here. For the countless time, I've seen and been through things I never wanted to see nor live with.
"A-Aredhel!"
Biglang may humawi sa mga kurtina na akmang bubuksan ko na. Kumirot ang puso ko nang naghihinagpis na pumasok si Indis at Relva. Ang mga sigaw nila ang unang tumupok sa tahimik ng kubon at kahit sa mga naghihintay na mga Le Erusauvian sa labas. Hindi na ako nakapagpigil at nagbadya na ang mga luha ko. I plan not to let them see this, pero mukhang naunahan na nila ako.
Humikbi sila sa harapan ko at hindi makagalaw sa mga kinatatayuan habang titig na titig sa isang parte ng silid.
"D-Devisee... Devisee! I-Ibalik mo siya! Nagmamakaawa akong ibalik mo ang kapatid namin! A-Aredhel... Hindi... Hindi!" Napapaos na hinagpis ni Indis. Halos gumapang siya sa buhangin para maabot ang mga tuhod ko. Kinuyom niya ang laylayan ng kasuotan ko at sunod-sunod na umiling. "Devisee, ibalik niyo po ang kapatid namin..."
"Wala na siya... Wala na siya... boreí na taxidépseis kalá sto ágnosti k-koiláda..." tahimik na hikbi ni Relva. Hindi ko nagawang naiintindihan pa ang karamihan sa mga binaggit niya. Dahan-dahan na rin siyang napaluhod.
Nakatulala ako kay Indis na patuloy sa pagmamakaawa--B-Bakit? Bakit niya hinihiling sakin ang mga ito? Wala akong nagawa sa kamatayan, wala na akong magagawa pa para kay Aredhel.
Lumuhod ako sa kanilang harapan. I opened my arms for them. Yumakap sila sakin at mas lalo pang lumakas ang mga paghihinagpis. I lifted my face up to the darkening sky while they are leaning on my chest tightly.
Walang ni isang bituin.
I didn't notice how long the three of us remained that way before their cries quieted. Hinimas ko ang mga buhok nila at pasimpleng pinunasan ang tumakas na luha sa mata ko.
"Pinapangako kong magbabayad sila... Lahat na gumawa nito at lahat ng walang ginawa kung hindi hayaan lang mangyari ito sa inyo..." Sambit ko.
Nawala na ang lahat ng emosyong pwede kong maramdaman. Niyakap silang dalawa ng mga pakpak ko bago ako tuluyang kumalas. They let go too and dried their tears before crawling towards the body of their sister.
Hindi ko na sila sinundan pa ng tingin at tumayo na. Umangat ang mga mata ko kalangitan pero walang landas nina Glinda, Tita Fatima, Farren o Khaliel ang naanig ko roon. Nasaan na sila?
BINABASA MO ANG
Intruded Trails (Van Doren Series #1)
FantasyVan Doren Series #1 (Completed) Book 2 of The Last Intruder Witness the return of the last intruder, unborn Queen. Genre: Fantasy Language: Filipino and English/ Taglish