Nanatili ang tingin ko kay Khaliel at sa kapatid nitong walang malay sa malayo. Nakaluhod siya sa harapan ng kapatid nitong si Farren at hinihintay pa rin itong magising. Malumay ang mga matang nakamatyag sa kapatid nitong nakasandal lang sa puno at mahimbing na natutulog.
Bumaling ako kay Zaki. "What have you done to her? Ilang oras pa ba bago siya magising?"
She took a glimpse of them. Binaba niya ang hawak nitong prutas para samin at umupo sa tabi ko. Sumandal rin siya sa batong sinasandalan ko.
"Her mind's drifted on another world. She'll live. Pinagising lang siya namin mula sa kapangyarihan niyang nilalamon siya," paliwanag niya.
Tinapunan ko ulit ng tingin ang magkapatid. Zaki offered me an apple. Tinignan ko muna ng maiigi iyon bago kinuha mula sa kamay niya.
I smelled it first before taking a small bite.
Zaki chuckled before biting on her own. "Pagkatapos ng mahabang panahon, I didn't thought Khaliel would take you as a bait, and separate himself from his sister." Dugtong niya.
"Anong mundo ang sinasabi mo?" tanong ko.
"Mahirap ipaliwanag," bahagya siyang yumuko na tila may inisip.
"Kahit ako wala masyadong alam sa mundo ng mga alaala. Isang misteryo sa loob ng oras, walang sino man ang makakaintindi nito," Tumingin siya sakin. "Even the most powerful couldn't tell how it works."
Kumunot ang noo ko. Sinulyapan ko muli ang mahimbing na natutulog na ravensiel.
"S-She's there? How?"
Gusto kong isumbat sa mukha niya ang mga tanong ko. Ilan ba talaga ang mundong pinagmumulan nila?
Bumaling siya kinatatayuan ni Tita Fatima at Glinda na tahimik nagmamatyag sa mga kakahuyan. We are on a cliff. Kung saan ako kanina nilapag ni Khaliel. Kung hindi pa niya nakita kanina ang kapatid nitong walang malay, hindi niya ako bibitawan. Para siyang natauhan ng makita ito at lumipad patungo roon. Since then, he haven't uttered a word to us.
And Epione, hindi ko pa siya nakikita simula kanina.
"We restrained Farren. Mahirap siyang kalabanin at ilagay sa ganyang sitwasyon. Nakita rin naming matagal nang hindi natutulog ang kapangyarihan nito, mas lalo pang lumalakas. She needed to be in a deep sleep, and Glinda can summon out her soul," Pinaglaruan niya ang mansanas sa mga kamay. "And the ravensiel of time can have her."
Natigilan ako. "I don't get it... ravensiel of t-time? Akala ko ba kayo nalang ang natitira rito sa mundo namin?"
Tumango siya.
"We are. Kaming lima..." Tumingin siya sa kinaroroonan mg magkapatid at kay Glinda at Tita Fatima. "Hindi naman nagpapakita ang ravensiel ng oras, kahit saan man ito. Nakakulong siya sa sariling mundo niya. Isang palaisipan pa rin samin ang kanyang pagkatao. But we do know it's a 'he', and he lives in time."
Namangha ako sa pag-iisip. "Khaliel's sister was with him? Anong ginagawa niya sa mundong iyon?" sunod-sunod kong tanong.
Umiling si Zaki. "She was not with him. Ang tanging rason kung bakit siya namin pwersahang pinapunta roon, ay para kilalanin muli ang sarili niya,"
"Then I can be there too? I can remember. Posible ba Zaki? Dalhin niyo rin ako roon!" Nabuhayan ako ng loob.
Napawi iyon nang umiling si Zaki. Bumuntong hininga siya at sinulyapan si Farren.
"It works... complicated, Thea. Kahit ako ay naguguluhan pa sa konsepto ng mundong iyon. Minsan kusang bubukas, kusang kukuha ng kaluluwa. At hindi ko rin alam ang paraan ni Glinda kanina," sambit niya.
BINABASA MO ANG
Intruded Trails (Van Doren Series #1)
FantasyVan Doren Series #1 (Completed) Book 2 of The Last Intruder Witness the return of the last intruder, unborn Queen. Genre: Fantasy Language: Filipino and English/ Taglish