Help
"Eat, Theana! It's just a bread!" sigaw sakin ni Epione at pinilit pa lalong itutok sa bibig ko ang hawak niya.
"Kahapon ka pang walang kain. Eat!" Nilapit niya pa na iyon.
Mabilis kong tinulak ang kamay niya papalayo at binaling ang ulo ko mula roon. "No! Paano k-kung.. may kung anong lason kayong nilagay diyan? Wala akong tiwala sa inyo."
Napabuntong hininga siya sa harapan ko at sinapo ang noo. Umiling iling siya sakin. I snorted at her and folded my arms.
"May lumabas diyan sa kamay mong kung anong ilaw kahapon. Hindi. I'm not eating that food on your hands. You can't make me!" Pagdadabog ko.
Naiirita na ako sa kanina niya pang pamimilit.
Nanlaki ang mata niya. "What? My light? That was just a warm up, Theana! Paano pa kaya kapag nasa Astraea ka na? Baka himatayin ka?" She massaged her forehead in frustration.
"At para sa kaalaman mo, binili ko 'to." Itinaas niya ang pinggang hawak niya. "Can't you just eat, please? Magiging mahaba pa ang paglipad natin mamaya."
Napairap ako sa kanya bago kinuha ang hawak niya. Ngumisi naman siya nang makitang kumuha na ako ng isang tinapay.
"Good girl."
Inikot ko ang mga mata ko sa kanya at kinigat ang tinapay. Ngumisi lang siya at bumalik sa pag-aayos ng mga librong dadalhin niya.
"Handa na ba ang lahat?"
Bumaling ako kay Glinda. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pero pagkagising ko ay narito na siya ulit at naghahandang umalis papunta sa iba pa nilang mga kasamahan na wala akong ideya kung saan.
Dumapo si Nyx sa balikat ko at nilaro ang sarili sa buhok. Napatawa nalang ako hinimas ang mga pakpak niya.
Biglang lumabi si Epione sa harapan ko at umiling.
"Nagseselos na talaga ako. Nyx, you traitor, bird. Ako ang una mong tagapangalaga bago ang ama niyan." Suminghot-singhot pa siya.
"Are you sure this is necessary, Glinda? Farren and Khaliel? Sa tingin mo sasama pa sila sa atin pabalik sa Astraea? Masyado nang nasanay ang dalawang iyon sa mundong ito." saad ni Zaki.
"Kinakailangan natin ng tulong. Sigurado akong may makakaramdam ng presensya ng kakaibang sanggol na ito. Lalo't na't dumadaloy rito ang dugo ni Astraea. Hindi ako magdadalawang isip na protektahan ito." sagot ni Glinda at biglang lumabas ang gintong pakpak niya.
"Do you think you can convince them? They don't follow you and Lavislous anymore. Not even Chloris."
"Wala na silang magagawa kapag nakita nila si Theana. Sabay-sabay tayong sumumpa noon sa tagapagmana niya."
Hindi ko namalayang mabilis ko na palang naubos ang mga tinapay. Tumawa si Epione sa harapan ko nang mapansin iyon. Kinuha niya ang pinggan at pinaypay-paypay pa iyon sa kaniya. Pinanliitan ko siya ng mata at masamang tinignan.
She's been mocking me ever since I woke up.
"Your bird is into me.." Mahinang bulong ko sa kanya at bahagyang lumapit pa.
Umirap siya. "She's just being protective. Ako pa rin ang una niyan." bulong niya pabalik.
Bahagyang ngumisi ako at hinawakan si Nyx na nasa balikat ko.
"Anong mangyayari sakin, Epione?"
Natigilan siya sa tanong ko at nabaling sakin. "Now, you're asking?" She eyed me.
BINABASA MO ANG
Intruded Trails (Van Doren Series #1)
FantasyVan Doren Series #1 (Completed) Book 2 of The Last Intruder Witness the return of the last intruder, unborn Queen. Genre: Fantasy Language: Filipino and English/ Taglish