Mine
Yakap-yakap ako ni Khaliel sa gitna nang paglalakad sa lupa na nababahiran ng natutuyo nang mga dugo.
Nawalan na ako ng bilang sa mga bangkay na naiwan sa buhanging lupa, ang iba ay unti-unti nang natatakpan sa ilalim. Hindi ko na rin naitago pa ang panginginig sa paglalakad. Gaano pa ba kalayo ang tahanan ni Sullivan? Gaano pa karami ang kailangan kong madaanan?
It has been hours, the sun is setting, any minute now this place will dim and the vast land will be darkened to still point out directions. Sa oras na natapos ang inakala ko nang walang tigil na patayan sa ibaba ay lumapag na kami. Sullivan forbid us to fly because we might be seen from afar. Pagkababa rin nami'y nag-umpisa na kaming dumaan sa madugong lupa. Na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala kahit ilang oras na naming nadadaanan ang mga ito.
How vast did those savages crossed? How many small, scattered settlements have they gone through? How many have they killed?
Minsan na rin akong naging kagaya sa mga bangkay na ito, pero ang paraan ng pagkamatay nila ay wala nang mas nakakasuklam pa. Kahit b-bata... mga maliliit na bata ay hindi pa ipinalagpas. We are here, walking in a blooded land of the vast desert, hiding beneath our veils, passing by dead bodies over and over again, barefooted.
Hanggang kailan kami maglalakad sa gitna ng mga ito?
Ngayon palang ay halos hindi ko na masikmura ang mga ganitong tanawin. Sullivan and the rest... They don't seem to mind or take this seriously. They were walking stiff, unlike me who's depending only to Khaliel to drag and carry my body up. Hindi ito ang unang beses para sa kanila... Hindi ito ang unang pagkakataong naglakad sila sa ibabaw ng mga wala ng buhay.
Looks like they were used to see death...
"Le Erusauvian..." Sambit ni Glinda na nakasunod sakin. "Nakatira ka sa kuta ng mga mamamatay-nilalang at walang-awang mga iyon?" Her voice firmed.
"Mababait... at matitino ang mga kasamahan ko roon. They mean no harm to anyone. Maiintindihan nila ang pamamalagi niyo roon kapag naipaliwanag niyo sa kanila ang lahat." He spoke while holding Ceruxis, the creature with a body of a lion and wings of an eagle. Ang alaga nitong kanina pa ako pinupukulan ng mga tingin.
Napaiwas nalang ako nang muli na namang pumihit ang ulo nito sakin. I heard it growled tamely as if calling me. Sumulyap ako roon. Gumalaw lang ang buntot nito sa likuran sa pagsulyap ko.
"Hindi dapat tayo nandito. Dapat ay naghanap nalang muna tayo ng matutuluyan sa gubat. The elves--"
"The elves had pledged their loyalty to the Golden Queen. Their shrines are hers, their lights are hers. They would never let outsiders like you welcome in their land," inunahan na niya si Glinda.
Natahimik kaming lahat.
"Golden Queen?" I muttered.
Tumango si Sullivan sa harapan. "That's what people call her. She started the conflagration of thrones. I never did knew her, I only heard stories. They say she's on a conquest for some sword," napailing siya. "Hindi ko alam."
Sword. Pumukaw sa isipan ko ang salitang iyon. Epione asked me to tell the King named Daniel to complete the swords. Wala akong ideya sa kung ano klaseng mga espada ang gusto niyang tipunin pero posible kayang iisa lang ito sa tinutukoy ni Sullivan?
Bumugso ang kutob ko. Possibly.
"Swords... Golden..." Narinig kong mga bulong ni Glinda sa sarili bago napasinghap. "So... she's a golden blood?"
"Iyan din ang mga salitang narinig ko. But I'm afraid I'm too old enough to remember what is was..." Sullivan shrugged. He started whistling. "Don't worry. She doesn't come here. No one would recognize the lives and settlements existing here."
BINABASA MO ANG
Intruded Trails (Van Doren Series #1)
FantasyVan Doren Series #1 (Completed) Book 2 of The Last Intruder Witness the return of the last intruder, unborn Queen. Genre: Fantasy Language: Filipino and English/ Taglish