Chapter Fourteen

479 26 2
                                    

Remembers

"You're so stupid, Glinda. Why did you let her fall like that? Ang dami niyo wala man lang sumalo?! You fucking birds... What if I didn't make it in time?" A familiar voice spoke.

"She was blinding, Epione. Walang magtatangkang ravensiel na nasa matinong kaisipan ang gumambala sa pagliliyab ng mga pakpak sa kanya," sagot ng madiing boses.

"Parte iyon ng proseso. Ang unang pagkalaglag. Hayaan nalang nating magpatuloy ito at gabayan natin siya sa bawat bahagi. Tiyak na mahihirapan siya sa mga susunod na araw. At ang ikitatakot ko ay maging tayo ay mahihirapan. Wala pa tayong nakakaharap na katulad niya..." nag-aalalang saad ng boses.

Katahimikan ang nangibabaw sa kadilimang nakikita ko. I know they're here. They're just here with me. But what is this? I... can't feel anything.

Humihinga ako pero hind ko nararamdaman ang pagtama ng hangin sa balat ko. Naririnig ko ang mga boses nila sa gitna ng kadiliman. From that moment I knew I was closing my eyes, but I couldn't feel them. Hindi ko nararamdaman ang sariling katawan ko. Kahit ang tibok ng puso ko ay nawawala.

Everything inside me seemed to have exploded, and there was none left. All I have is my mere consciousness, and just unmoving darkness. Ganito pala ang pakiramdam... Kung isang bitiun ako sa kalangitan ay tila ito ang magiging katauhan ko. There in only void with me.

Pero bakit ganito? Bakit nandito lang ako?

Tila dumilim pa ang paligid ko nang may pumasok sa isipan ko. Ang huli kong naalala ang ay walang katapusang paglaglag. Walang katapusan dahil walang tinamaan ang katawan sa paglalamon ng kadiliman sakin. I fell... But I couldn't remember if my body reached the ground.

Did my body--t-the c-child...

"Talagang nakakamangha. Nakikita niyo ba kung gaano kabilis ang pagbabago ng anyo niya?"

"Yes..." Tugon ng banayad na boses. "Khione, you are becoming more breathtaking on each second of your sleep. Aking anghel, kailan ka magigising?" Naging mas malapit ang boses na para bang bumubulong ito sakin.

Khaliel.

"It seemed that her wings missed her so much. Let them be with her, Khaliel,"

"Hanggang kailan siyang hindi magigising? I thought we're running of time..." Malamig na sagot nito. "She is so still, and beautiful."

"Mga ilang araw pa ito. Ilang araw pa bago bumalik ang bagong katauhan ni Theana. Epione, ang oras? A-Ang anak ko?"

"I bought us a little time, huwag niyo ng alalahanin iyon. At si Zakira... I'm sorry, but her powers are fading now. Hindi na magtatagal at tuluyan na siyang magiging tao..."

Nagpatuloy ang mga boses. They were like a flicker of faith amidst this darkness. Ayokong mapag-isa rito, sa kung anong bahagi man ito na tinatawag nilang nasa proseso. Sa lugar na ito, wala akong buhay. I can't help but to think about what they're talking. The first question came into my mind. Did I died?

I wanted to feel something. At least, one thing to know that I didn't.

Isang tugtog ang pumasok sa isipan ko. Ang tugtog na kinakanta ko nitong mga nakaraang araw... Nagmumula ito sa mga piyesa sa gitna ng dilim, hindi ko matukoy kung saan ito nanggagaling. It was beautiful as it is, comforting and soothing me. And for a moment, I felt safe. It's like a familiar touch of memory I couldn't recall when. But I know, it is somewhere.

It took a while before I realized, I found peace in darkness.

"Trust in us..."

Napaigtad ako sa panibagong boses. Pero sa pagkakataong ito, hindi ito nanggaling sa mga nakapaligid sa walang buhay na katawan ko. Nangmula ito dito, kasabay ng tugtog ay umusbong ang mga salitang iyon sa isang pamilyar ring boses.

Intruded Trails (Van Doren Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon