Lullaby
Everything was new.
That’s all I could think of when the days passed. Ravensiels don’t sleep for a long time. They don’t rest if they are not on a higher ground either. Kaya nilang maglakbay ng walang kahit anong pagkain. Khaliel said they live with immortality, he meant I will be too. Sa parte ko, hindi ko alam kung matatanggap ko iyon.
To live eternally.
Sa tanang buhay ko, hindi ko nagkaroon ng interes sa bagay na iyon. I rarely think about how long would I live because I’m busy spending my days deliberately, so I could consider my days a worthwhile. Pero pagkatapos ng lahat, pagkatapos ng paggagambala sa normal kong buhay, my worthwhile days became risks. Every day is a risk that I need to live to have to the triumph I’m looking for. If I am to consider most of my thoughts, then immortality is a friend.
Lumipas ang ilang araw ng paglalakbay patungo sa kwebang pinapaniwalaan nilang posibleng magiging daan namin sa Astraea. Hanggang ngayon hindi ko pa rin natutunan kung paano itago ang mga pakpak ko. How could I? I can’t even move them on my own! They move themselves rhythmically but they won’t disappear when I set foot to the ground. Pinagmamasdan ko naman ang kusang pagkawala ng mga pakpak sa likuran nina Khaliel, Farren at Glinda sa tuwing lalapag sila sa lupa pero hindi ko alam ang pamamaraang ito.
I have to learn sooner.
“Dumito muna tayo.” Glinda spoke in the mid-air before glancing down.
Nitong mga nakaraang araw ay wala akong masyadong ginawa. I let my wings be on their own control and hesitate to manipulate them. Ayon kay Glinda mas mabuti raw na hayaan ko muna ang mga itong maging pamilyar sa paligid nila. She meant this course that we’re heading. They were familiar of this world because Zakira brought them here, and they knew it wasn’t there’s. Ang kailangan lang nilang maramdaman ngayon ay ang bugso ng pagbabalik nila sa kanilang mundo.
“Ready, Khione?” Khaliel asked.
Lumingon siya sakin sa gitna ng pagdamba sa kanya ng hangin. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko bilang gabay sa aming bawat paglipad.
I gave him a nod before looking down. Kagaya ng mga nakaraang araw sa paglalakbay na ito, kadalasan, puti lang ang nakikita ko at walang katapusang mga bulubundukin sa ibaba.
Humugot ako ng malalim na hininga at mabilis na binalik ang tingin kay Khaliel. What a deadly sight I need to get used of.
Khaliel fly down slowly, guiding me behind him.
Umarko saglit ang katawan ko sa ere bago sumunod sa kanya. Lakas loob kong rinagasa ang hangin sa paglipad naming paibaba. My eyes immediately focused on the wide forest when we drifted off the thick clouds. They choose to travel far away from civilization just like I expected.
Matagal ang naging pagbaba namin. It was like an endless descend... or more of a fall.
Habang pababa ay hindi inaasahang kumirot ang dibdib ko. Hindi ito katulad ng dati na halos ikabaliw ko na. Lumantad sa isipan ko ang imahe ng pamilya ko.
Was this truly my path now? How about them? Will I disappear in their minds? Gusto ko silang makita... Gusto ko silang mayakap man lang. I want to see them before I totally lost them.
Akala ko kung iisipin ko ito ay tuluyan nang tutupok ang sakit sakin, pero hindi inaasahang madaliang kirot lang mararamdaman ko. Bakit? Bakit ganito lang?
"Khione? Maaari ko bang malaman ang iniisip ng aking anghel?"
Napangiti ako nang marinig ang boses ni Khaliel sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
Intruded Trails (Van Doren Series #1)
FantasyVan Doren Series #1 (Completed) Book 2 of The Last Intruder Witness the return of the last intruder, unborn Queen. Genre: Fantasy Language: Filipino and English/ Taglish