Chapter Seven

453 26 0
                                    

Gold and War

Habang nasa ere ay hindi ko maiwasang mapaisip. Sa bawat oras na lumilipas na kasama ko ang tatlong... ravensiel at si Epione ay unti-unting nang nagbabago ang lahat. Ang pakiramdam, emosyon, at paniniwala ko.

Posible ba talaga ang lahat ng mga sinasabi nila tungkol sakin? Did I lost my memories? How? Why?

What did I do to that world?

Kung napunta nga talaga ako sa mundo na sinasabi nila, sa Astraea, bakit kinakailangang mawala ang memorya ko roon? Bakit wala akong may natatandaan sa lugar na iyon?

Nanlaki ang mga mata ko nang may isang bagay ng pumasok sa isip ko. The song..

The lullaby that I was humming everyday.

Napakagandang tinig na iniisip kong mula sa isang pyesa. Paulit-ulit iyong tumutugtog sa isipan ko. Ang himig, ang bawat nota ng musika. Where did I heard that song?

"Ang iyong damdamin ay labis na nakakamangha, hija.."

Nasanay na ako sa pananalita ni Tita Fatima. I've known her since childhood days and indeed, her way if saying things were different on her words.

Bahagya ko siyang tinanaw sa ibabaw ko. Ang puting pakpak niyang kagaya ng kay Zaki ay humahampas sa mga ulap papalayo.

Hindi niya ako tinignan at nanatiling nakatitig sa harapan niya habang lumilipad. "Dalawang klase ng emosyon ang nangingibabaw sa iyo ngayon. Panghihinayang at pagmamahal. Nanghihinayang ka sa sakit na iyong nararamdaman na hindi mo mawari kung saan nanggaling, bagama't.."

Yumuko siya sakin ng may ngiti sa labi. Hindi na nawawala ang ngiti sa mukha niya.

"..bagama't ito'y hindi mo kinasusuklaman dahil nagmula ito sa pagmamahal. Ang pag-ibig na iyong nakita sa aming mundo. Naramdaman ko noong una kitang nahawakan ang muling pag-iilaw ng bituin. Sa wakas.." Bahagyang pumikit ang talupak ng mga mata niya bago tumingin muli sa harapan. Hindi naaalis ang ngiti niya sa labi.

"muling umilaw ang mga bituin pagkatapos ng napakahabang panahon. Muli itong nag-ugnay ng mga nilalang na kanilang tinadhana."

Zakira's mother was the kindest. Hindi ko matukoy ang uri ng kabaitang mayroon siya simula noon. Kahit anong tawag sa kanilang mga mangkukulam ay nginingitian niya lang ang mga ito.

Purong kabaitan ang mayroon si Tita Fatima.

"What do you mean, Tita Fatima? Noong sinabi mong mga bituin? Si Epione ay mayroong mapa rin ng mga bituin sa tinatawag niyong Astraea.. Nabanggit niya rin iyan. Anong meron sa mga bituin?" tanong ko.

Marahan lang siyang napatungo sa tanong ko.

"Higit na makapangyarihan ang bituin sa mundo namin. Si Astraea, isa siyang ravensiel kagaya namin, pero nagunaw siya at naging isa sa bawat butuin, may pitong kanyang sariling nilikha. Sa tingin ko mas makakabuting isiwalat ko sa iyo ito kapag nahanap na natin ang unang parte ng iyong alaala.."

Muli niya akong binigyan ng banayad ns ngiti.

"U-Unang parte?" Suminghap ako tumingin sa kalangitang nakapaligid sakin ngayon. "I feel like fainting again.. Can I go home after this?" Wala sa sarili kong sambit.

I don't understand myself lately. Pakiramdam ko may nangyayari sa katawan ko na mabilis akong mahilo bigla.

"Wala ka nang uuwian, Theana. Binura ko na ang alaala ng mga magulang mo sayo. Isang problema lang, hindi ko mahanap si Thalia. Alam mo na kung nasaan ang ate mo? At nang mabura ko na rin ang sa kanya.." Walang alinlangan niyang sambit.

Intruded Trails (Van Doren Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon