Epione
Hindi ko na alam ang nga sumunod na mangyari nang bastang hinila nalang ako ni Glinda palabas sa banyo.
Saglit kong hinawakan ang ulo ko dahil sa bahagyang pagkirot pa rin nito. "What the fuck is happening?"
Para akong baliw na paika-ika sa paglakad palabas. Dumaing ulit ako at lumipat ang kamay ko sa dibdib. Naroon na naman ang sakit. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko at napangiti ako nang maramdamab iyon.
The pain is comforting. I could live with this forever.
I shake my head. Umaasa akong bumalik ang sarili sa katiting na katinuan ko.
Inupo niya ako sa upuang nasa harapan ng lamesa niya. Nagulat ako nang lumuhod siya sa harapan ko.
Agad akong napaupo ng matuwid at nanlaki ang mga matang tinitigan ang doktor. Anong klaseng panggagamot itong ginagawa niya sakin?
Tinapunan niya ako ng tingin. "Huwag kang gumalaw." utos niya.
Nakunot-noo ko siyang tinitigan. Inangat niya ang kamay at mahinang niligay iyon sa tiyan ko. Bahagya niyang hinaplos ang palad niya roon.
Suminghap ako nang hinawakan ako ni Zaki sa balikat. Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak at hindi iyon pinansin. Bumuga siya ng hininga sa likuran ko.
Pasensya ka na, Zaki. Pero masyadong maraming nangyari sakin dahil sa kagagawan mo.
Kumunot bigla ang noo ng doktor habang nakatitig sa tiyan ko. Nanlaki ang mata niya ang biglang tumilapon ang katawan niya papalayo sakin.
Tumama siya sa pader habang gulat na nakatingin sa tiyan ko. Bakas rin ang pagkamangha sa mukha niya.
Humakbang si Tita Fatima sa gilid ko. "Anong nakita mo, Glinda?" nag-aalala niyang tanong.
Hindi nakasagot si Glinda at gulat pa ring nakatitig sakin. Bahagyang napalunok siya at pinasadahan ng tingin si Tita Fatima.
"N-Nakita ko a-ang tagapagmana--" Bumilis ang paghinga niya at muling binalik ang tingin niya sakin. "--ang bagong tagapagmana."
Sumiwalay ang unti-unting pagngiti sa mga labi niya. Natigilan rin ang dalawa sa likuran at gilid ko.
"T-The ring.." nauutal na saad ni Zaki. "Iniwan sa kanya iyan ng tagapagmana para sa atin.. para makita natin." dugtong niya.
Mahinang tumango naman si Glinda. Nagulat ako nang marahan siyang tumawa na tila namamangha.
"Malakas ang bata.. napakalakas. Tinilapon ako nito," natatawa niyang saad.
Nagpakawala rin ng tawa si Fatima sa gilid ko at pumunta sa harapan ko. Napausog nang hawakan niya ang mukha ko.
Ngumiti siya. "Kailangan nating ibalik ang mga alaala mo," Hinimas niya ang ilang hibla ng buhok ko. "Huwag kang mag-alala. Ibabalik ka namin sa kanya, gagawin namin ang lahat."
Umiling ako sa harapan niya. Hinawi ko ang kamay niya at tumayo sa harapan nilang lahat.
Nawala ang ngiti niya.
"Anong mga pinagsasabi niyo?" Iniisa-isa ko silang tinignan. "Anong bata? Anong ibabalik? Anong memorya?! Kayo 'tong nababaliw, eh.."
Mapakla akong tumawa. "Nakakatawa na kayo."
Tumawa ako. Wala na akong pakialam kung magmumukha akong baliw sa harapan nila. Tutal parang ganun na rin naman ako sa sitwasyon ko.
"Can't you see.." Dahan-dahang napalitan ng tawa ko ng hikbi. "Masakit," Tinuro ko amg dibdib ko. "..sobra."
BINABASA MO ANG
Intruded Trails (Van Doren Series #1)
ФэнтезиVan Doren Series #1 (Completed) Book 2 of The Last Intruder Witness the return of the last intruder, unborn Queen. Genre: Fantasy Language: Filipino and English/ Taglish