Chapter Twenty-one

376 21 0
                                    

Dance of Feathers

I picked up the last flower that caught my eyes in the meadow. Humarap ako sa papalabas na araw sa kalayuan. Sa braso ko ay ang kumpol ng iba't ibang klaseng bulaklak.

Ang damit ko na hanggang tuhod ay binaybay ng hangin. The tears run dry on my cheeks. Huminga ako ng malalim at pumikit, pinatatag ko ang loob ko kasabay sa malakas na pag-ihip nito. Kusang bumuka ang mga pakpak ko sa likuran at dinama rin ito.

I opened my eyes. My mouth agape when I saw them flying away. Ang inaasahan kong madadala ng hangin ay ang mga dahon. I would expect flower petals to be blown away by strong wind, but I saw my own feathers.

Sinundan ko iyon ng tingin, napatanaw na ako sa kalangitan.

They danced above, tila may sariling hangin ang mga ito na sinusunod. Napangiti ako. Tumama muli ang malakas na hangin pero nanatili ang mga ito sa kanilang postura sa himpapawid at gumagawa ng sayaw.

So they really do have lives.

Hindi kagaya ng kay Khaliel o Glinda, na naiihip papalayo lang ang balahibo ng mga pakpak nila, mine can stay. It dances. Implikasyon na buhay nga ito.

Ilang sandali pa ng pagsayaw ng mga ito para aliwin ako ay bumaba na ang mga ito sa itaas at dumaloy pabalik sa mga pakpak ko.

I bit my lower lip and tried to compose myself from being too overwhelmed by them. Kahit ilang linggo na ang nakaraan ay bago pa rin ako sa pamumuhay na ito. Madami pa akong kailangan matutunan.

My main goal is to win back all I left behind in Astraea. Nadagdagan ito ng tatlo ngayon. This is to find out more about my sister, and what she meant in past. The King of Deacon. Sino man ito ay may kinalaman sa pagpatay sa mga magulang ko. I will make him pay. Then, Glinda, being a Van Doren.  I need to confront her about this sooner.

Napaydesisyunan kong ilibang ang mga magulang ko sa loob ng gubat, sa ilalim ng isang puno. Sa kabutihang palad ay binigyan ako nila ako ng isang araw para manatili sa gubat ng Del Ario. Nagtitipon rin ako ng mga alaala ko rito.

"Ayos na ba ito, aking anghel?"

Nawala ang titig ko sa langit at lumingon kay Khaliel. Agad akong natawa sa itsura niyang puno ng alikabok at sa ilang kumpol ng mga bulaklak na dala-dala niya. Ngayon lang ba siya nakaranas na magpitas?

Itinaas niya ang mga napitas niya. "Well? I'm tired, Khione..." Reklamo niya.

Patago akong humalakhak at umalis sa kinatatayuan. Bumaba ako sa may kataasan na burol. Umangat naman ang isang kamay niya para alalayan ako sa pagbaba.

My forehead creased.

"Hindi mo naman ako kailangang alalayan pa. I have wings. I won't fall, Khaliel..." Ngumisi ako. Tinignan ko ang kamay niya bago tinanggap.

"I know. Even if you fall, Khione, I know you can still manage to lift yourself back. You've done it. Ang kamay ko ay hindi para alalayan ka. Para ito sa pagsasamba sayo," tumikhim siya. "Ngayon, kulang pa ba ang mga ito?"

Tinuro niya ang napakaraming mga bulaklak na bitbit niya.

"That's more than enough." I smiled at him. "I told you to stroll near me, not on the whole meadow. Magpipitas lang naman tayo ng bulaklak, Khaliel. Paano kung may nakakita sayo?"

Ngumiti-ngiti siyang umiling. "Sorry. Hindi ko alam ito kung paano ginagawa ito. I've never picked flowers because it has life. Ravensiels respected anything that lives."

Natahimik ako. I didn't know that...

"Sana sinabi mo sakin. I would've followed that, too,"

"Hindi mo kailangang sumunod sa kahit ano, aking anghel. Bago ka sa mga mata namin, sa lahat ng nasa Astraea. There is no one like you, and I would like to see how will you build your own image." He answered.

Intruded Trails (Van Doren Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon