Chapter Thirty-nine

321 18 0
                                    

Once a King

I stood up once Tita Fatima has finished tying my hair. Hinayaan niyang malaglag ang ilang hibla ng buhok ko sa balikat at ganoon rin sa likuran kagaya ng pagtatali niya sa tuwing uupo ako sa itim na trono at magpupulong silang lahat sa harapan ko.

She fixed the helm of my dress first and aligned the short cape properly on my shoulder before her palm lifted to stroke my cheek.

"Kahit kailan talaga, hindi ako makapaniwalang may ganitong uri ng mukha ang mahahagip ng mga mata ko. Noon nababahiran lang ito ng mga putik dahil sa katigasan ng ulo niyo ng anak ko. Taliwas ka sa paniniwala ng Astraea..." Natatawang bulong niya at marahang hinalikan ako sa noo.

I smiled when I remembered the old times. "Tita Fatima, hindi ko makakamit ang lahat ng ito kung wala ang tulong ni Zaki. At hindi pa ako humihingi ng tawad sa inyo. I'm sorry if the two of separated for the reason I'm part of..." saad ko.

Mahinang tumawa lang siya na ikinalito ko. Maiigi niyang inayos muna ang dulo ng kasuotan ko at tinitigan ako mula ulo hanggang paa bago naglakad na papunta sa pintuan ng silid niya. Pinatatag ko muna ang sarili at saka gumalaw sa kinatatayuan.

"Nakakatuwa. Tinatawag mo pa rin pala ako sa pamamaraan ng mga tao..." Lumapad ang ngiti niya ngunit unti-unti rin itong napawi. "Naalala ko ang anak ko sa bawat hampas ng mga pakpak mo sa ere. Kahit papaano ay natutulungan ako nitong kumalma."

Tita Fatima has been the mother figure of most of us here. She provides me the comfort and support of a mother would do. Minsan iniisip ko ay baka dahil lang ito sa naaalala niya si Zakira sakin. At wala akong may nakikitang masama roon. If this eases her, then I'm willing to help.

Sabay kaming naglakad papunta sa silid ng trono ko kung saan makikilala at hahatulan namin ang bisita. In this dusk until the darkness spreads, the throne is my power. The dominating eerie of my castles' walls will tame this stranger who is about to face me.

Tumunog ang mga kampana. Kung ganoon ay nakayanan niyang tumayo sa harapan ng pader ng Ravenhelm, sa gitna ng mga buhangin simula kaninang hating-gabi kung kailan rumaragasa ang lamig ng hangin, hanggang sa buong araw na nakababad sa sikat ng araw. I heard from Rigor there was a sandstorm outside either, yet this man still stayed, unmoving.

Alam na alam ko ang pakiramdam na mababad sa tumitirik na araw. Nasanay na ako rito, pero para sa isang manlalakbay na malayong-malayo pa ang pinanggalingan mula sa mga lupaing ito, hindi ko inaasahan ang paninindigan at pagtitiis nito para lamang makapasok.

"Sino sa tingin mo ang nilalang na ito, Tita Fatima?"

"Hindi ako ganoon ka pamilyar sa mga lupain ng limang kaharian. Ngunit sa tingin ko'y wala namang masamang atensyon ang isang ito," bumaling siya sakin. "Pero hindi pa rin tayo makakasigurado. Mas mabuti na ang pamamaraang ito, Devisee."

She meant putting this man in chains and surround him with weapons. If he creates small, suspicious movements, he'll surely face the consequences. Bawat maliliit galaw nito ay may kaakibat na kahulugan sa mga mata namin.

Tumango-tango ako kay Tita Fatima.

"Yes. This is necessary."

Nakarating kami sa silid ng trono. It was a blink when my eyes instantly fell to the throne. Tila nagtugma ang pagnanasa namin nito sa isa't isa at agad akong tinawag papalapit roon. Nakatipon na rin rito ang lahat. Khaliel welcomed me with a warm smile. They were supposed to rest at this hour since they've just returned. At kailangan pa naming mag-usap mamaya tungkol sa mga isinasagawa namin, but based on his satisfied face, it was a success.

Farren, however, didn't even throw a glace at me beside him. Nag-aalala na ako para sa sitwasyon naming dalawa dahil tumatagal na ito. Tumatagal na itong pag-iwas niya at nababahala na ako. Knowing Farren, her pride and power always mattered to her. Whenever I tried to approach to her, she would excuse herself and fly away.

Intruded Trails (Van Doren Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon