Bonded. I know what that means.
"I don't think we are. May nabanggit na si Glinda tungkol diyan. I think I'm already b-bonded." saad ko.
Naalala ko ang pangalang binanggit ni Epione sakin. Hindi pa ako sigurado sa mga bagay-bagay pero nararamdaman ko na ang lalaking iyon ay may kinalaman sa lahat ng nangyayari sakin. Whoever and whatever he is
Epione wouldn't mention him if there's nothing. There is something about his name that I want to know deeper.
Bahagyang tumaas ang kilay ni Khaliel. Naglakad siya muli pero hawak-hawak na ang kamay ko. Hinayaan ko siyang hawakan ako. I mean, who can deny him?
"If you were, then why are you here now?" Sinilip niya ako ng bahagya, hinihintay ang sagot ko.
"Will you help us?" tanong ko pabalik.
Hindi ko pwedeng ipagpatuloy tong pag-uusap sa kanya kung hindi kami nila tutulungan. I can't just tell him things about me. Another thing, I still don't know if I can trust him. Or any of them.
"You can't be bonded. You were an intruder. Walang mabuting mangyayari sa isang kagaya mo roon. Walang magandang pagtrato o saloobin." Hindi niya pagpansin sa tanong ko.
"Walang marangyang imahe ang mga tao roon. Tanging paghihirap lang. Ikinatataka ko kung paano ka nakalabas ng buhay." dugtong niya.
Natahimik ako at bumalik ang atensyon sa daan na tinatahak namin. This world that they kept mentioning. I can already tell it's not a peaceful one. I've been trying to listen to their words about it at wala akong narinig tungkol sa katiwasayan nito.
My attention went back to the woods. Something's different now. Nag-iiba ang ihip ng hangin sa bawat paghahakbang namin. Dagdag pa ng mainit na kamay niyang nakahawak sakin. Naramdaman ko ang kakaibang pagdaloy ng kung anong tila kuryente sa palad naming dalawa.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa mga palad namin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Something's wrong...
Why do I feel like this is wrong?
"Do you prefer the sun or the moon?"
Napaangat ang tingin ko sa biglaang tanong ni Khaliel. Bumaybay ang mga mata niya sakin. Bahagya niya akong hinila sa gilid niya. Sabay na kaming naglalakad sa gitna ng kakahuyan.
"Hmm.." Saglit akong napaisip. It seems like a harmless question.
"None of the two. They both change."
He looked down. Kumurap-kurap ang mga mata niya na parang may iniisip. Isang bagay na napapansin ko ngayon sa kanya. Hindi siya hasa sa pag-uusap.
Ilang taon na ba silang naninirahan dito sa gubat?
"How about the sky? I can take you there." Maingat ang boses niya.
Tinuklop ko ang labi ko at mahinang tumikhim. "Nakapunta na ako roon..."
Ilang beses na akong hinihila-hila pataas.
Mahina siyang tumango at yumuko ulit. Tinabunan ng mahabang hibla ng buhok niya ang kanyang mukha.
"Do you want to go even higher? We can travel through lightning," Nahawig ko ang paglunok niya. "or we can part the sky and travel through time. We'll move the wind and we won't stop until the seas dry and the stars will drowned."
My mouth parted. Seryoso siya habang sinasabi ang mga iyon. His voice was committed. Napalunok ako ng wala sa oras.
Is he really saying this to me? Ni hindi niya pa nakikita ang kabuoan ng mukha ko dahil sa mahabang tela na nakapulupot sakin, ito na ang mga binibitawan niyang salita sakin.
BINABASA MO ANG
Intruded Trails (Van Doren Series #1)
FantasyVan Doren Series #1 (Completed) Book 2 of The Last Intruder Witness the return of the last intruder, unborn Queen. Genre: Fantasy Language: Filipino and English/ Taglish