Chapter Eleven

475 29 0
                                    

Phoenix

Something snapped in me while Khaliel's wings attacked the wind and strucked the clouds. Pumasok ang isang katanungan sa isipan ko sa sinabi niya na nakapagpaigtad sakin.

"T-Teka... p-pinakamalapit na bituin? A-Are you talking about the sun?!" sigaw sa kanya para marinig niya ako ng maiigi.

Nakatutok lang tingin niya sa itaas at bahagyang tumango. Nakunperma ko rin iyon nang lumagpas kami sa hindi ko na mabilang na patong ng mga ulap sa asul na kalangitaan. Nadadaraan na rin namin kanina ang dilim, hapon, at mga patak na ulan at muling pag-uumaga.

Nalaglag ang panga ko.

"B-Baliw ka ba?! Mamamatay ako roon, Khaliel!" Nanginig ang katawan ko sa bisig niya. Hindi ako mapakali at nilibot ang tingin ko sa nagbabagong langit. Umaasang makikita ko si Epione, Tita Fatima o kahit sino sa kanila!

He'll me burn to death! He can't be serious... He will take it too literal.

"Khaliel, listen. I don't know what was the sun like there on A-Astraea, maybe there you can fly around it. But, here? You can't fly me there! It's deadly! Mamamatay tayo..." Kinabahan ako para sa sarili.

Pinagsisihan ko nang hinayaan ko si Epione na iwanan ako. How could she? She said she was watching me? What the hell is this now? I'm being carried towards the sun. This heavenly creature is taking me to the burning sun.

Halos mamatay na ako sa kaba nang marinig ang mahinag tawa ni Khaliel. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko.I looked at him in terror, my body trembled because of his laugh. Maybe he's planning to kill me after all.

"Walang kasing-init ng araw niyo dito, ang araw sa Astraea. Sa bawat bituin roon, ay sumisiklab higit pa sa inaakala mo. May oras na lumalamig ito, at nag-iinit muli. May oras na lumiliit at nag-iibang anyo, at direksyon. Ang iba any gumagawa ng isang konstelasyon. Ang pagbuo ng samahan ng mga hari nito,"

Ang hirap intindihan ng mga tugon niya. What's with the stars on their world? Based on what they were saying, the stars their were like... living. And Epione said she was one.

Pumipitik na naman ang ulo ko sa kanilang mundo. If I was there, how did I truly survive?

"..At tahanan ko rin ito. Ang mga katulad namin ay nagtatago sa likod ng bawat isa sa mga ito." His eyes looked down on me. "Don't worry, my Khione. I can flip it's rays and dim it's light for you. Walang ravensiel ang naaapektuhan sa mga bituin."

Kusang umangat ang kamay ko at napasapo sa dibdib. Hindi pa ako tuluyang nakahinga ng maluwag pero kahit papaano ay kumalma ako.

He better know what was ahead of us.

Ilang ulap pa ang dinaanan niya bago tumama sa balat ko ang sikat ng liwanag. Pinasuot lang ako ni Epione ng isa sa mga damit niya. Mahaba, maluwag at hindi gaano kakapal. The sun beamed brightly. Too bright and I can't look at it anymore.

Sumiksik ako sa dibdib ni Khaliel. Nakapikit ang mga mata at hinarangan pa ng dalawang palad. "Khaliel," tawag ko sa kanya.

"Please. I don't think I can handle it..." Kahit natatabunan ko na ng dalawang palad ang mukha ko ay pumapasol pa rin ang liwanag sa likod ng mga ito.

Bahagyang tumigil ang kanyang paglipad papalapit.

"Kahit ilang lipad pa, Theana? I'm afraid the sun might not hear me," he said.

Umiling-iling naman ako sa dibdib niya. My eyes shut, my forehead started to sweat. Parang gusto kong alisin ang nakaharang sa mukha sa sobrang init.

It was hot. Pero nararamdaman ko pa rin ang simoy ng hangin. Ang braso niya, pakiramdam ko may ginagawa ang mga ito sa katawan ko na pumupulupot sakin para sa hangin.

Intruded Trails (Van Doren Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon