Chapter Twenty-three

357 22 0
                                    

Key

"Handa na ba ang lahat?"

Malayo ang tingin ko mula sa kinatatayuan namin.

Sa wakas ay nakikita ko na mula rito ang bagay na matagal naming pinaglakbayan. I never expected for it to look like this, it was sending me this desiring suspicion to enter it without even thinking.

From here, it looked like a normal part of nature. From here in human eyes, it's nothing but an ancient cave filled with nothing. But for me, for us, there was this call. At sigurado akong hindi ako nagkakamali sa nadidinig ko.

May tunog ang kweba na nagmumula sa loob nito.

Nakatayo kami ngayon sa kaduluhan na ng daan na sinusundan namin. Ang dulo nito ay isang mahabang lawa. Sabay-sabay ang mga mata naming apat sa pansamantalang pagtanaw sa kabilang ibayo kung saan naroroon ang kweba.

Tumango si Farren sa tabi ko sa tanong ni Glinda. "I-I can hear a voice. We can't turn back from this now. Theana? Sa huling pagkakataon, sigurado ka ba rito?" May bahid ng pag-aalala na sa boses niya.

"Sigurado ako."

Hindi umaalis ang mga mata ko sa misteryosong lugar na nasa harapan ko. May nangyayari sa katawan ko at hindi ko matukoy iyon. Parang... may kakaibang daloy na sa loob ng katawan na unti-unting nagigising dahil sa lugar na ito.

Pumasada ang dalawang maiinit na mga palad pababa sa mga braso mula sa likod. I inhaled when I felt Khaliel's warm chest behind me. Tahimik akong lumingon sa kanya. "You've been here?" I asked with a nervous voice.

Tumango-tango siya. His eyes wondered of at every part of what's in front of us, slowly becoming lifeless as he continued to stare at it. He looked like what he looked before when we met. I think he has no control over it... the prince of war is in no control.

Mahina kong inangat ang kamay ko. I carefully place my hand on his cheek. "Khaliel." Tawag ko sa kanya.

"This place brought back many things..." He muttered. "We ended here, Khione. Dito. Dito nagwakas ang lahat para samin. Our lives ended when we set foot outside that cave..." He growled, as if any moment now he would fly across the lake and destroy the cave.

Kinuha ko ang isang kamay niya at hinigpitan ang kapit roon. Bumaba ang tingin niya sakin. Ngumiti ako at binawi na ang kamay kong nakalapat sa pisngi niya.

Napakagat-labi ako nang may pumasok sa isipan ko. His brows furrowed staring. Umismid siya. This is serious, Khione." Usal niya.

"I know, I know... Napapaisip lang ako. What if we met before all of this, Khaliel? What if we both chose different paths? Hahantong pa rin ba sa ganito?"

His expression changed. Guilt crossed his face with sorrow and regret. "Naiisip ko rin 'yan. And I regret that I did nothing but stay in a forest and let my power took over my life. I regretted that I didn't try to look for you. I wished I did. I wished I could have saved you..." Malumay niyang pagsasalita.

Pumasok na naman sa isipan ko ang duguang katawan ng mga magulang ko. Napapikit ako at hindi huminga ng ilang saglit. Pinigilan ko ang sariling mawalan ng balanse sa sariwang alaalang iyon bago inayos ang sariling paghinga.

"Kayo nalang ang natitirang mga ravensiel sa mundong ito, hindi ba?" Pagpapalit ko ng usapan.

"Yes..." Natatakang sagot niya. "Why?"

"Who do you think killed them?"

Humarap ulit ako sa kweba. I know Glinda and Farren are listening to us, too. The three knew who I'm referring to. Gusto kong marinig ang mga sagot nila bago tuluyan ko nang iwan ang parte ng lupang ito. I wanted to hear what they would like to say about my parents' death before we fly across.

Intruded Trails (Van Doren Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon