White Wings
Mahina kong inangat ang kamay ko sa alagang ibon ni Epione. Marahan rin nitong nilapitan mismo ang palad ko at pinalandas ang sarili.
"What's his name again?" Muling tanong ko kay Epione habang nanatili ang tingin sa ibon.
"Nyx. And it's a she." sagot niya.
Napangiti ako sa paggalaw ng ibon sa kamay ko. It's brushing itself like it's something familiar. Nyx black orbs curiously stared at me as if it sensed recognition. Bahagyang nakatagilid ang ulo nito habang pinagmamasdan ako.
Pinapasok kami ni Epione sa maliit na bahay niya. Halos luma ang lahat ng gamit rito at may bahid ng mga alikabok sa paligid.
May kandila sa isang lamesa at nakasarado lahat ng bintana maliban sa likurang parte. Doon pumapasok ang ilaw mula sa labas.
Nasa likuran rin ng isang gusali ang bahay niya kaya natatabunan ito.
"Diretsuhin mo na ako, Glinda. Kailangan ko pang bumalik sa Astraea." rinig kong sambit ni Epione.
Napalingon ako sa kanila.
"Anong kailangan mo?"
Sumandal si Epione sa dulo ng lamesa at tinupi ang dalawang braso. Nakaharap siya kay Glinda at Zaki.
"Kailangan kong makita ang nangyari sa kanya." sagot ni Glinda.
Bahagyang natawa at umiling si Epione. "Natupad niya na ang propesiya. I was there, it's done now. You can stop thinking about," Sinilip niya ako at tumango-tango kat Glinda.
"Trust me, it's better if she won't remember anything. It's for her own good."
"Let her have her life back again. Ayoko nang gamitin siya." saad pa niya.
Marahas na tumingin sa kanya si Glinda. "Buntis siya, Epione. Buntis. Anong hahayaan ang pinagsasabi mo? Alam kong kilalang kilala mo ang ama ng bata." Usal nito.
Nalaglag ang panga ni Epione. Hindi siya nakapagsalita ng ilang segundo bago tuluyang rumehistro sa kanya ang sinabi ni Glinda.
Lumipad ang kamay niya sa bibig niya at bumaling sakin na nanlalaki ang mga mata. Nagugulantang siyang tumingin sakin. "The fuck? Nabuntis?"
Tumayo siya ng matuwid at hindi alam kung saan papanigin ang tingin niya. Kumunot ang noo ko na tila parang hindi siya mapakali.
"I'm not pregnant," pagtatanggi ko naman. "Imposible ang mga sinasabi nila."
"Uhm.." Kinamot niya ang leeg niya. "I-It must be w-weird for you. Tinamaan ka lang ng mahika at nawalan ng malay ng ilang minuto. Pagkagising mo buntis ka na--"
"Epione!" pagputol sa kanya ni Glinda.
Tinakpan niya naman ang baba niya para pigilan ang paghagikgik. Tumikhim siya at inayos ang sarili.
Humugot siya ng hininga. "I didn't see this coming. This isn't what I settled." Bulong niya sa sarili. Umiling siya at seryoso nang tinitigan ako.
"She can't go back."
Mabilis na naalarma si Glinda at hinarap siya.
"Anong hindi?! Sigurado akong may magagawa ka pa! Isang linggo pa lang ang nakalipas.."
Humarap sa kanya si Epione. "Glinda, you're missing something. Astraea's time was different, and so was ours. One week here is a year passed in Astraea," Bahagya siyang umiling. "She's gone for a year now."
"At isa pa, sinumpa ako ng magaling mong kapatid, hindi ba? Kailan ba kayo magkakasundo ni Lavislous at Lysandra?" Umiling iling siya.
"I can't take my curses anymore. Huwag niyo ng dagdagan pa, Glinda. I'm too tired."
BINABASA MO ANG
Intruded Trails (Van Doren Series #1)
FantasyVan Doren Series #1 (Completed) Book 2 of The Last Intruder Witness the return of the last intruder, unborn Queen. Genre: Fantasy Language: Filipino and English/ Taglish