❅️ Chapter 65

189 8 1
                                    

Yesa's POV

"Huwag mo akong isusumbong, mayayari ka talaga sa'kin! Zion! Ikaw din, Luna."

"What the fucking fuck?! Saan mo ba ako dadalhim?!"

Sorry Zion, pero ito ay isang magandang pagkakataon para tumakas. Sasabihin kong sumabay ako sa paghatid sa kanya pauwi pero pumunta talaga kami kay X.

Nararamdaman ko eh. All of them, specially Ruby Jane. May tinatago sila. Nahuli na si X pero wala akong makitang balita tungkol sa kanya. Umiiwas din sila kapag nagtatanong ako. Hindi ako bobo para hindi mapansin lahat ng kilos nila.

"Miss Yesa, baka masisante ako."

"Hindi 'yan. Huwag kang mag-alala."

"Pero mahigpit po akong sinabihan na huwag kayong dadalhin..."

"Just drive." Sabi ko na lang.

"Hayyst. Kasuhan kaya kitang kidnapping?" Atungal ni Zion.

"Kakasuhan naman kitang rape."

"What the—.. Fine. Ang tigas talaga ng ulo."

Nakarating na kami at pinagbawalan ko silang sumunod pa sa akin. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Si Inspector ang nagbukas ng pinto. Laking gulat niya nang makita ako.

Pero ano itong kakaibang kaba na nararamdaman ko. Hindi ako mapakali ng sobra. I don't know if it's just the excitement because finally, I can meet that demon.

"Ayeshna! Naparito ka nang dis oras ng gabi?"

Sasagutin ko na sana siya nang marinig ko ang boses ng isang pamilyar na tao.

"Yow, Yesa!" Iginilid ko si Inspector para buksan ang pinto ng maluwag.

Nicholas?

He's sitting like a boss while smiling at me. "What are you doing here?" Imbis na sagutin ako ay itinaas niya ang dalawang kamay na may posas. "What the hell?!"

Lumapit ako agad sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya habang pinoproseso ng utak ko kung bakit siya nandito, bakit siya ang nakaposas. Nag-aalala ko siyang tiningnan.

"Bakit siya nakaposas? Tanggalin niyo 'to! Tanggalin niyo sa kanya ito!!" Namumuo na ang mga luha ko. But Nicholas, he's still smiling like a demon.

No.

"Yesa. Let us explain." Si Ruby, I thought she's not here.

"You don't need to. Pakawalan niyo si Nicholas ngayon din." Tumayo na ako ng diretso.

"Sigurado ka ba diyan? Kaya ko kayong tapusin lahat sa oras na pakawalan niyo ako."

No. I don't understand.

Why is he saying this? He is not the criminal here. He is not X!

"Let him go!! Let Nicholas go!! He's not a criminal!... He is not.." Muli ko siyang tinignan. Tuluyang pumatak ang mga luha ko nang tawanan niya lang ako.

He just laugh. Pinagtatawanan niya ang reaksyon ko. Matagal, halos isang minuto bago siya natapos. Ibang iba siya sa kilala kong taong nag-alaga sa'kin. Hindi ko na siya kilala.

"N-Ni.." kahit tawagin siya ay hindi ko magawa dahil sa kakahikbi ko. Pero kahit naman tawagin ko siya ay hindi mababago ang katotohanan. "AAAAAAAAHHHHHHH!!"

"Yesa!" I heard Zion's voice.

Nagsisisigaw lang ako para malabas ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam kung galit ba ang nararamdaman ko dahil parang wala na akong maramdaman. Nalulugmok na ako..

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon