❅️ Chapter 47

87 8 0
                                    

Yesa's POV

Dahil sa sunog noong nakaraang linggo, sa lumang building kami ngayon nagkaklase. Walang problema sa akin 'yun, ang ayoko lang ay katabi namin ng classroom sila Amber. May mga oras na nasa labas sila ni Daren at nakatambay. I still hate her, after what she have done. I will never forgive her.

"Hoy." Tawag ni Enzo habang naglalakad ako sa hallway.

Maka-hoy, parang noong nakaraan lang miss Yesa tawag niya sa'kin.

"Oh?"

"Hindi ako tsismoso, pero nakarating sa'kin ang issue sa'yo."

"Wala akong pake." Tinalikuran ko na siya. Hindi naman ako tulad ni Amber na masyadong maalaga sa image niya. Okay na ako basta't alam ko ang totoo. "Wala ka ng tungkulin sa'kin, pwede na tayong bumalik sa dati"

"What do you mean?"

"Hee? Baka.." (Idiot) hinarap ko na siya uli. "Hindi ba't galit ka sa'kin?"

"Oo galit ako sa'yo noon dahil naiinis ako sa paraan mo ng pagtingin. Iyan! Tulad niyan, nakakababa ka tumingin. Iyong tono mo ng pananalita ay parang sarkastiko lagi at ang pinakakinaiinisan ko ay ang blangko mong mukha." Pinakita kong hindi ako interesado sa mga sinabi niya at pinanatili ang blangkong mukha, tulad ng ayaw niya.

Pero lumapit siya sa akin at sinakop ng dalawang kamay niya ang mga balikat ko. Napaangat tuloy ako ng tingin dahil may katangkaran siya.

"Pero iba na ngayon. Galit pa din ako sa'yo pero iba na ang dahilan."

"Anong walang kwentang dahilan naman ang meron ka?" Sandali siyang nagulat saka nagsalubong ang mga kilay niya.

"Hindi ko sasabihin, walang kwenta pala eh."

"Hee? Para kang tanga. Bitawan mo na nga ako."

Ginawa niya ang sinabi ko. "Nagtatrabaho pa rin ako sa pamilya niyo kaya trabaho ko pa ding protektahan ka."

"Tss. Gawin mo ang gusto mo." Muli na akong tumalikod. "Tandaan mo lang na hindi kita pinilit na gawin ang trabahong 'yun."

"Sige. Mag-iingat ka, miss Yesa."

Sinungitan ko siya bago naglakad na palayo. Hayy.. Kung nandito lang si Zion, may makakausap ako tungkol kay Enzo.

Uwian na at mag-isa akong umuwi. Ramdam ko ang pag-iwas ni Daren habang ang tatlo naman ay sabay sabay na pumunta sa part time nila. Kasabay ko sana si Zion kahit sa paglabas ng gate o sa sakayan, pero wala siya.

Wala siya!!

Bakit ko ba hinahanap ang wala?!! Papasok din naman siya bukas, wala dapat akong ipag-alala. Bukas na bukas ay makikita ko na din siya.

Bukas...

"Good morning, class!"

"Good morning, miss Vera!!" Pagbati ng lahat.

"Oh, wala si Yeriko? Ah! Inaasahan ko na 'yan. Ahahaha.."

Nakuha ni ma'am ang atensyon ko dahil sa narinig. "May alam kayo kung bakit di pumapasok si Zion?"

"Oo, hindi mo alam?"

Ha?

Natahimik ako pati na rin ang buong klase. Anung ibig sabihin nito, Zion?

"Dapat may alam ka, Yesa."

"Oo nga, diba ikaw pinalit niya kay Amber?"

"Hahahahaha!!"

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon