❅️ Chapter 40

107 5 0
                                    

Yesa's POV

SINAKOP ng mga kaganapan noong linggo ang utak ko. Ang hirap mag-focus sa klase. Idagdag pang tuwing lilingon ako ay nahuhuli kong nakatingin sa'kin si Ryu. Ayokong mag-isip ng masama kay Ryu. Tulad nga ng sinabi ni Zion, parang kapatid na ang turing niya kay Ryu at alam ng nila ni Lynn kung ano para sa'kin si Ryu. And it's really hard to accuse someone you like! Para na rin akong gumawa ng bagay na ikaka-turn off niya sa paningin ko.

Sigurado na ako. Hindi si Ryu ang nagtatangka sa buhay ko.

Saka wala namang rason si Ryu para gawin 'yun diba? Si Felipe lang ang nakikita kong may malaking galit sa'kin, pero hindi ko rin siya nakikitaan na kaya niyang gawin ang bagay na iyon. Idagdag pang hindi niya na ako ginugulo at mga kaibigan ko.

Hayyst..

"Yesa, may sasabihin daw si Ryu sa'yo mamaya." Bulong ni Lynn.

"Maghanda ka.. hihihi." Aniya Ruby.

Mas lalo akong nahulog sa malalim na pag-iisip. Anong sasabihin niya? Bakit ako maghahanda? Inantay ko na lang na magbreak time. At nang dumating nga ang oras ay si Felipe ang una kong nilapitan. Nabigla sila maging si Felipe lalo na nang hilahin ko si Felipe palabas ng room.

"Anung kailangan mo sa'kin?"

"May kinalaman ka ba sa pagbabanta sa akin at sa pamilya ko?" Diretso kong tanong.

"Anu bang sinasabi mo? Iniiwasan nga kita dahil natatakot na ako sa'yo!"

Bakit?

"Anung ginawa ko sa'yo para matakot ka ng biglaan? Maliban na lang sa pinanlilisikan kita ng mata." Wala na akong alam na may ginawa ako sa kanya.

"May amnesia ka ba? Binugbog mo kaya ako hanggang sa hindi na ako makatayo. Naospital pa nga ako eh! Huwag ka ngang makipaglokohan sa'kin!" Aalis na sana siya pero hinawakan ko ang braso niya.

"Anong sabi mo? Wala akong maalalang ginawan kita ng ganoong klaseng bagay."

May kakaiba. May mali dito.

"Yesa, layuan mo na lang ako. Hindi na kita bubulabugin, just leave me alone!"

Tuluyan na siyang lumayo. Mas napuno ng katanungan ang isip ko. Buong akala ko ay kay Zion siya natatakot dahil halos balian na siya nito ng daliri pero hindi, sa'kin siya takot. Ako ang iniiwasan niya dahil.. binugbog ko siya? May gumagamit ba ng identity ko? Bakit?

Puro bakit?! Nalilito na ako!

Ilang linggo na ang nakalipas mula nang mangyari iyon pero ngayon ko lang nalaman.

"Bagay sa'yo ang buhok mo, Yesa" papuri ni Ruby nang makaupo kami sa canteen.

"Nagpagupit ka pala. Di mo sinabi, papagupit din ako eh!"

"Pfft." Muntik ng maluwa ni Zion ang kinakain dahil sa sinabi ni Lynn. "Maganda ang buhok mo, Lynn."

"Talaga, Zion? Thanks."

Mahaba ang buhok ni Lynn at straight. Kinuha ko na lang ang biniling pagkain at kakain na sana nang biglang may humablot sa kutsara ko. Kumuha ito ng ilang kanin at ulan saka sinubo.

"Anong ginagawa niya dito?" Tanong ni Daren kay Enzo.

Anung ginagawa niya?!

"Pwede ka ng kumain." Sabi lang ni Enzo at lumakad palayo.

Nagtataka ang tingin nilang lahat sa'kin. Napailing na lang ako at napabuntong hininga.

"Anu 'yun, Yesa?!" Nababaliw nang aniya ni Lynn.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon