❅️ Chapter 39

88 6 0
                                    

Yesa's POV

NAKARATING na sa tatay ko ang nangyayari ngayon. Naikwento ko ang lahat ng nalalaman kay Yuki at alam kong sapilitan siyang pinagsalita ng tatay ko.

Linggo ngayon at hindi ko akalaing ako mismo ang babalik dito, dito sa impyernong kinalakihan ko. Ayokong pagtsismisan uli kami ng mga kapitbahay kaya hindi na kami nagpahatid. Sa halip, pumara lang kami ng dyip na masasakyan. Naglalakad na kami ngayon sa loob ng subdivision kung nasaan nakatayo ang mansion.

"Hindi ba napaka-exciting nito? Biglaan ang pagpupulong nating buong pamilya. Natutuwa ako, Yesa."

"Sa lahat ng pinagbabantaan ikaw ang natutuwa." Sarkastiko kong sagot kay Lannie.

Totoong masaya siya dahil makakabalik siya sa mansion at makikita ang tunay niyang anak. Tch. Apat kaming magkakapatid pero alam kong isa lang ang tunay na may dugong Tadashi sa amin.

"Hindi tumatanggap ng bisita ang pamilyang Reyagan o Tadashi ngayong araw. Bumalik na lang po kayo sa susunod." Saad ng isa sa guwardiyang nasa labas ng gate.

"Tch. Ako ang nag-utos ng patakaran na iyan, tapos hindi mo ako kilala?" Nabigla siya sa sinabi nila. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Yuki. "Yuki, ano ito? Bakit mga baguhang guwardiya ang inatasan mo sa labas ng gate?"

"Ayyt. Pasensya na, paano mo nalaman?"

"Hindi kami kilala ni Lannie." Sabi ko habang nakatingin sa guwardiya. "Huwag mo sabihing mga baguhan lahat ng nandito sa gate?"

"Hindi naman sila baguhan. Ang iba sa kanila ay isang taon na sa serbisyo. Ang tagal mo kasing nawala Yesa.. hehehe." Pinutol ko na lang ang tawag.

"Buksan mo ang gate."

"Pero ma'am –"

"Mawawalan ka ng trabaho sa loob ng limang segundo kapag hindi mo kami pinapasok." Pagbabanta ko.

Nagtinginan muna sila pero sila na din ang natakot nang ibalik nila ang tingin sa'kin. Binuksan na nila ang gate at tumuloy na kami ni Lannie.

"Hi." Nahihiyang sabi ni Lannie sa mga bantay at ilang hardinero na nasa labas.

"Sino po ba kayo?"

I stop. This is ridiculous.

"Kapag pumasok ka sa trabaho, know your superior."

Oo na hindi kami mukhang miyembro ng pamilyang ito dahil sa mga kasuotan namin. Pero nagmamadali kami. Tumuloy na kami sa loob at laking gulat nila dahil alam ko ang pasikot sikot ng mansion. May ilang nakakilala sa'kin at nadadala sa tingin ko, sila iyong mga nagsisipag-yukuan para mag bigay galang.

Suot ang simpleng pambahay, isang dress na umaabot hanggang sa binti niya, sinalubong niya kami ng isang simpleng ngiti. Ang kapatid kong babae na si Yumi. Nag-bow siya sa'kin at ganun din ang ginawa ko.

"Hindi ko inaasahan ang pagdating mo, oneesan." (Ate) Nakita ko ang sandaling pagkunot ng noo niya nang makita si Lannie. "Kanojo wa daredesuka?" (Who is she?)

Lumapit sa kanya si Lannie at nagtama ang tingin nila. Lumayo naman ng kaunti si Yumi dahil sa pagkabigla. Ang sakit para kay Lannie na hindi siya kilala ng anak niya. Kung bakit naman kasi kung saang lupalok siya pumunta habang lumalaki kami.

"Naiintindihan ka niya. Hindi mo kailangang itago ang sinasabi mo." Nagulat si Yumi sa sinabi ko.

"A-Anak.." Yinakap na ni Lannie si Yumi na halatang kinagulat ni Yumi.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon