❅️ Chapter 32

85 6 0
                                    

Zion's POV

TAHIMIK kaming kumakain. Pinapakiramdaman ko lang siya na kumakain lang din. Tiningnan niya ako pero hindi naman nagsalita.

Nalulungkot ako sa sitwasyon namin ni Amber. Hindi kami ganito noon, malayong malayo sa kung ano kami ngayon. Walang oras na hindi ko siya nakitang nakangiti sa akin. Palagi niya akong kinukwentuhan ng mga walang katuturang bagay. Kahit na hindi niya ako ipakilalang boyfriend niya noon, kapag oras na naman sa isat isa ay pinapakita niyang mahalaga ako sa kanya. Hindi ganito, parang ang awkward ng paligid. Ito ba ang nangyayari kapag nahulog ka sa dating kaibigan at nagkahiwalay? Pero kami na uli diba? Bakit parang nagbago na?

I can hear her I love you's even when we are in public. Pero hindi na buong kaligayahan ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung napipilitan lang ba siyang sabihin iyon o may iba akong dahilan. Pinipilit ko namang ibalik ang lahat sa dati. Iisipin ko na lang na wala akong nakitang kasama niya sa kama. Iisipin ko na lang ay puro masasayang alaala namin, pero bakit ang hirap gawin. Can I fix this broken relationship of ours?

"I'm on a date." May kausap siya sa telepono.

"With Zion... My goodness, Zion, my boyfriend." Napangiti ako ng tipid. Nagagawa niya na akong ipakilala sa mga kaibigan niya. "Arghh! The nerd. You remember?"

Natigilan ako sa kung paano niya ako tawagin. Tiningnan niya ako pero pilit na ngiti lang ang naisagot ko. Why am I hurting?

Binaba niya na ang tawag at kumain na uli kami. Maliit na bagay lang naman iyon, bakit naman ako masasaktan sa ganun. In fact, ganun din naman ako tawagin ng ibang tao.

"Wala ka pa ding pinagbago."

Tumigil ako sa pagnguya at uminom ng juice. "What do you mean by that?"

"You are still the cold guy I've met years ago." Saad niya. "The way you speak, act and look at me, still boring."

Prinoseso ng utak ko ang sinabi niya. Is that a compliment? I should smile then, but I couldn't. Instead of that, I stood up.

"May pupuntahan ako." I said

"Ow, ngayon na? Tamang tama, aalis na din ako. Cassie invited me to a party."

"Okay." Yayain ko sana siyang ihatid pero hindi na ako nakapagsalita pa nang kinuha niya na ang bag niya at umalis.

I'm boring.

"Tch." Hindi naman masakit.

Naging malamya na ako pagkatapos ng mga oras na iyon. Iniwan na sa akin ni Ryu si Yesa habang hinatid naman ako ni Yesa sa bahay ko. Nakatulog ako noong nasa byahe kami at ginising niya lang ako nang maka-uwi ako. Pinipilit niya pa akong umiyak dahil alam niya daw na iiyak ako at gusto niyang makita at pagtawanan. Hindi naman ako naiiyak at mas lalo nang hindi ko papatulan ang gusto ni Yesa.

Kinubakasan ay opening na ng school festival. Tawag nila ay anniversary ng school, I prefer school festival. Late na ako at hindi ko mahanap ang salamin ko.

"Parker."

"Good morning, brother."

Hindi niya ako tinatawag na brother, kahit kailan. Kaya alam ko na kung sino ang nagtago. Sa side table ko lang naman nilalagay ang salamin ko at alangan namang si mama ang magtago.

"Give me back my glasses."

"Grabe ka naman manghusga, ako ba nagtago?" He laugh.

"Parker, ibalik mo na ang salamin ng kapatid mo. Ke aga aga ay magbabangayan nanaman kayo!" Suway ni mama habang nagbabasa ng diyaryo.

"Sus! Nakaligo ka at nakababa ng hagdan ng walang salamin, kaya mo ding pumasok ng wala nun 'no!"

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon