❅️Chapter 5

150 10 1
                                    

Lynn's POV

"Yesa mah prend!" Pang-apat na tawag ko na sa kanya pero ang pisteng ito hindi man lang lumingon ni isang beses! "Ayeshna! Uy!"

"Oh?" Sa wakas naabutan ko din ang walking ice na toh.

"Sabay na tayo. Ang magkaibigan dapat hindi iniiwan. Saka malapit na rin naman tayo sa room. Tara lets na!"

"Tss."

Wow. Nasayang ang laway ko ah.

Ngiting ngiti ako habang naglalakad kami sa hallway. Habang siya naman ay parang robot na seryoso ang mukha. Kailan ba ako masasanay?

"Good morning Sir!" Bati ko sa P. E. teacher namin nang makasalubong namin. Tumango lang si Yesa. Tropa sila ni sir?

"Remind your classmates na sasabay kayo sa P. E. ng ibang section mamaya. Same time."

"Okie okie sir!"

Nauna nang naglakad si Yesa, di man lang nagpaalam kay Sir.

Pumasok na ako sa classroom at isang malakas na pagbati ang pinakawalan.

"Gooood moorniiing!!"

"Good morning din, Lynn." Bati ni Ryu.

I'm sure kinikilig nanaman si Yesa-Asan na iyon?! Katabi ko lang siya kanina. Kasama ko siya maglakad. Bakit nawala' yun?

Agad akong lumabas ng classroom para hanapin ang nawawalang walking ice. Agad ko naman siyang nakita sa dulo ng hallway sa may hagdan. Parang may kausap siya kaya napagdesisyunan kong gulatin siya!

Marahan akong naglakad papalapit sa likod niya. Nagtago ako sa likod ng pader para hindi niya ako mahalata. Kunwari isa tayong spy. Hihihihi..

"Paano mo naman nasabing sila ang makakasama natin?" Boses ng lalaki.

No way! May kabit na agad si Yesa kahit hindi pa sila ni Ryu?! Paano na ang pinagawa kong shirt na team RyuSa? Sayang 250 punyemas naman oh. Hindi pwede! Si Yesa ay para kay Ryu at si Ryu ay para kay Yesa. Kailangan kong makilaka kung sink ang kabit ni Yesa.

"Buntis eh."

Haaaaa!

O-M-G! Buntis si Yesa?! Hindi maari toh! Kailangang sila ni Ryu ang magkatuluyan dahil bagay sila. Pero paano ang bata? Kawawa naman ang bata kung lalaki itong iba ang kinikilalang ama. Saka paano na ang future ni Yesa? Masasampal ko talaga ang lalaking ito! Kating kati na ang kamay ko.

"Hmm. Maganda ang plano mo, pero hindi ba delikado?" Anung delikado ang sinasabi ng lalaking 'to?!

"Ilalaglag lang naman."

Ilalaglag?!

Ipapalaglag ni Yesa ang bata?! Wala siyang pusong ina! Hindi ko na kaya. Hindi ko na carry ang lahat ng nalalaman ko!

"Payag na ako. Pero hospital ang bagsak kapag pumalpak-Lynn?"

Lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Gulat na gulat ako sa nakita pero ang dalawang ito, wala man lang reaksyon. Ganyan ba talaga sila? Mga walang puso?!

"Hindi ko na kaya ang mga ginagawa niyo, Zion at Yesa!" Kumunot lang ang noo nila at walang sinabi. Kaibigan ko ba talaga sila? Paano nila kinakayang gumawa ng ganitong krimen? "Mga wala kayong heart! Bakit mo tinago sa akin Yesa? Tutulungan naman kita eh. Hindi mo kailangan umasa sa lalaking 'yan!" Tinuro ko si Zion. "At ikaw naman Zion.." kinuwelyuhan ko siya pero wala pa din siyang reaksyon. "Imbis na maging mabuti kang ama, gusto mo pang ipahamak sila!"

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon