❅️ Chapter 1

436 8 2
                                    

Chapter 1

Zion's POV

Nauna na akong bumalik sa classroom, may dapat ba akong antayin?

Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari kani kanina lang. Sa loob ng tatlong taon ko sa high school, sa loob ng tahimik kong mundo, ngayon lang ako napasok sa gulo. Dapat pala ay humingi muna ako ng tawad siguro kung ginawa ko iyon ay hindi na lumaki pa ang gulo. Nakakainis kasi! Nagawa ko pang pagmasdan iyong mukha niya. Iyong mukha niya na may matumbok na pisnge, mga matang malamig katulad sa akin, ang buong mukha niya na wala kang mababasang ekspresyon.

Yesa..

Babae ba talaga siya? Hindi ko maramdamang babae siya, nakakatawang isipin. Sa hulma naman ng katawan niya ay masasabing babae talaga siya, pero ang mga kilos niya ang nagpapabago sa katotohanang isa siyang babae.

Kasabay ng pagpasok ng adviser namin ay ang pagpasok nila Yesa. Para bang alam na alam niya ang pwesto ko dahil pagpasok pa lang niya ay nasa akin na ang mga mata niya. Parang nagbabanta. Naupo siya sa ikalawang upuan sa harap ko. Mabuti na lang ay may nakaupo sa pagitan namin. Humarap sa akin ang lalaking nasa harap ko.

"Hi I'm Ryu. Nice to meet you bro."

Nginitian ko lang siya, isang tipid na ngiti. Humarap na siya sa katabi niya at doon naman nagpakilala. Hanggang sa ang katabing upuan na ni Yesa ang kinausap niya.

"Hi ako si Ryu."

"Hi Ryu! I'm Wennalynn, Lynn na lang."

"Nice meeting you Lynn." tinapik ni Ryu si Yesa pero hindi siya nito hinarap. Hanggang sa siningit na lang ni Ryu ang ulo niya sa kaliwa ni Yesa na halatang kinagulat naman ni Yesa. "Hello. Ako si Ryu."

Sobrang lapit ng mukha nila pero ang hindi ko inaasahan ay ang mabilis na pamumula ni Yesa.

Tch. Katulad lang siya ng ibang babae.

"H-H-Hello Ryu.."

Napangiwi na lang ako sa paraan niya ng pagsasalita.

"Hihihi. Nice meeting you---uhmm?"

"Y-Yesa!" Mabilis na inabot ni Yesa ang kamay ni Ryu at nakipag kamay.

"Ok. Talk to you later Yesa."

"T-Talk? L-L-Later..?! Sige."

Bumalik na sa upuan si Ryu. Nagsimula namang bumungisngis si Lynn na parang kinikilig. Hinawi niya pa ang buhok ni Yesa. Parang tanga namang nakatingin si Yesa sa kamay niyang hinawak niya kay Ryu.

"Kinikilig ako sa'yo, Yesa." malakas na bulong ni Lynn.

"Pinakilig ba kita?"

"Hay naku. Ewan ko sa'yo."

Nagsimula ang klase, kung klase bang matatawag iyon. Puro pagpapakilala ang ginawa. Pakiramdam ko ay para akong sirang plaka sa kauulit ng pangalan ko. Mabuti na lang ay nag break time na. Nagsilabasan na silang lahat sa pangunguna ni Yesa na parang siga maglakad. Tulad kanina tikom lang ang bibig niya hanggang sa makalabas.

Kinuha ko ang pagkaing niluto ko kaninang umaga at mabilis na kumain. Nagliligpit ako nang may mapadaan sa bintana namin. Matamis ang ngiti niya habang kumakaway sa kapwa namin kamag-aral. Mukha siyang manika sa ganda, tangkad at hubog ng katawan. Napayuko ako ng papalingon na siya sa loob ng silid namin.

"Hi Amber."

"Naks. Mas lalo kang sume-sexy ah."

"Kayo talaga." pagbigay pansin niya sa mga kaklase ko.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon