❅️ Chapter 60

98 6 1
                                    

Yesa's POV

NAGHILAMOS na ako ng mukha. Tumayo ako sa harap ng refrigerator ko ng ilang segundo bago kumuha ng almusal. Malalim ang buntong hininga kong yumuko sa table.

KNOCK**KNOCK**

I hear my door opens.

"Time check, 6:15. Huwag po kayong papahuli sa klase." Sinarado na uli ni Jane ang pinto. Si Jane na kapangalan ni Ruby. Pssh.

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na kami tumuloy kahapon kay X.

"Waaaa... I wanna see that demon!" Pagkausap ko sa sarili.

Nasa sasakyan na kami kagabi nang maka-receive ng message ang tatay ko at bigla siyang nagdesisyon na uuwi na lang kami. Pero magaan na ang pakiramdam ko. Wala na akong iisipin pa dahil nahuli na si X. Sa dami ng pinatag niya, tingnan ko na lang kung hindi siya mabulok sa kulungan.

"Areee?" Takang atungal ko paglabas ng mansion. "Nasan si Nicholas?"

"May inaasikaso ata." Sagot ni Enzo na driver ko ngayon. "Marami pa akong gawain sa school, pumasok ka na sa kotse."

"Huwag mong utusan ang boss mo." Baklang 'to, ako pa inutusan.

Napangisi ako ng maalala ang sinabi niya kagabi. Nakasakay na ako sa kotse pero siningit ko ang ulo sa tabi ng driver's seat.

"Sino nga uli iyong umamin sa'kin kagabi?"

"Ako. Bakit?" Matapang niyang sagot. "Arrghh! Balak ko lang namang sabihin na anag ganda mo sa suot ko kagabi. Bwesit ang kaibigan mong pato. Napakaingay!"

Pato?.. Si Lynn?

"Hahaha..." tipid kong tawa at sumandal na uli sa inuupuan. "Balak kong kumuha ng lisensya next year. Ayokong hinahatid sundo ako."

"Ok." Sandaling katahimikan. "N-Nga pala, Yesa. Pano mo nalamang m-may—"

"May gusto ka sa'kin? Halata namin ni Zion." Diretsong sagot ko.

"Hindi ka ba nahihiya?! Nakakahiya kayang mag-usap tungkol sa ganitong bagay.."

"Sus." Kaartehan niyo lang 'yun. "Pangalawa ka sa taong patutumbahin ko. Inaantay ko ang pangatlo."

"Patutumbahin? You mean.. busted?" Nakita kong tumaas nanaman ang kilay niya. "Wala akong balak ligawan ka dahil engage ka na. Tama ba?"

"Sayang naman. Tch." Mukha na akong playgirl.

"Well, if that happens. Ang pangatlong iba-busted mo ay ang fiance mo. Am i right?"

"Oo." Walang gana kong sagot. "Dahil ayokong pakasalan ang taong pinilit lang sa'kin ng daddy ko. Ni hindi ko nga siya kilala."

"Ngayon ko lang narinig na tinawag mo siyang daddy... Okay na kayo?"

"Hindi pa!—Teka bakit ba naging tsismoso ka na?!"

Hayy... mas gusto ko talagang tinatarayan niya lang ako. Hindi iyong ganitong pinapakielaman niya na ang problema ko.

Butler ka lang, at bilang guwardiya ko ay wala ka ng karaparang pakielaman ang problema ko sa buhay!!

Gusto ko sabihin 'yun pero baka mapasama naman ako. Hayyy... isang buntong hininga na lang uli ang ginawa ko.

"You know, hindi ko alam kung bakit sinasabi mo noong wala kang kaibigan. Kung titignan ngayon, maswerte ka na."

"Mmm.." atungal ko.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon