❅️ Chapter 7

130 8 0
                                    

Zion's POV

Madilim pa ang langit pero tapos na ako mag-asikaso at papasok na sa school. Dala ang bag habang nagbabasa ng libro ay bumaba ako.

"Tama na muna 'yan. Maupo ka dito at mag-almusal."

Tulad ng sinabi niya, tahimik kong binaba ang libro at naupo na para mag-almusal. Ngumunguya ako ng paboritong almusal na pancake nang mapansin ko ang titig ni Parker sa akin. Sinalubong ko iyon ng malamig na tingin.

"Kamusta?" Tanong ko ng walang reaksyon. Biglang namuo ang galit sa mukha niya na nginisian ko na lang.

"Huwag mo akong kausapin!"

"Parker! Huwag ka ngang ganyan sa kapatid mo. Kumakain kayo."

"Hindi ko kapatid 'yan, mama!"

Hindi nakasagot si mama. Nanggigigil sa galit si Parker na uminom sa baso niya. Lumapit naman si mama sa akin para aluhin ako.

"Tumitira tayo sa iisang bahay, natutulog sa iisang bahay, umuuwi sa iisang bahay, kumakain sa iisang mesa at tinatawag na mama ang iisang babae. Magkapatid tayo, Parker. Kahit baliktarin mo ang mundo ako ang bunso at ikaw ang kuya ko." Mahaba kong sabi bago kinuha ang libro at bag ko saka tumayo.

"Hindi kita bunsong kapatid! Kung pwede lang na burahin ang mukha mo sa bahay na 'to, gagawin ko!"

Muli akong lumingon. Pero sa pagkakataong ito, malamig pa sa natural kong mata ang hinarap ko sa kanya. Sinalubong ko siya ng tingin sa ganoong paraan. Mabilis na napalitan ng takot ang kaninang galit niyang mukha.

Hindi mo ako kaya.

"Gawin mo, tingnan natin kung sino ang mananaig."

Mabilis siyang tumayo at umalis sa harap ko. Hindi naman alam ni mama ang gagawin. Titingin sa'kin si mama sunod ay kay Parker tapos lilipat muli sa'kin.

"Magsasalamin ako ngayon, naiwala ko ang contact lens ko." Paalam ko at kinuha ang salamin sa bag saka sinuot.

"Gusto mo bang ibili kita ng bago?"

Umiling ako. "Mas gusto kong nakasalamin."

Nagsepilyo ako at muling inayos ang sarili bago lumisan. Hindi ko ginagamit ang kotse kapag pumapasok. Pag-uusapan lang ng mga students ang katayuan ko sa buhay. Kung bakit nag-aral pa ako sa public school kung may kaya naman ako. I have my own reasons. Reasons, as in plural.

Nakarating ako sa LCHS sa tulong ng pam-pasaherong jeep. Inayos ko ang salamin at naglakad na papasok sa school. Medyo nagulo ang buhok ko dahil sa pagmamadali. Hindi pa naman ako late pero sanay akong sobrang aga kung pumasok.

"Is he a new student?"

"I don't think so. He looks familiar."

"Whatever! He's kinda cute.."

Kaya ayokong dalhin ang kotse dito, simpleng bagay kasi ay pinag-uusapan na ng mg students. Tss. Nagulo lang ang buhok at nagsalamin hindi na nakilala.

"Arghh! I wanna know his name."

"Akin siya!"

"Ako unang nakakita! Maghanap ka ng inyo!"

"Akala ko ba si Ryu ang type niyo?"

"Duh! Halos lahat kaya ng students dito si Ryu ang habol. As if namang mapansin niya tayo."

"Oo nga, dito na lang tayo sa new student."

Naramdaman ko ang paglapit nila kaya mabilis ko silang nilingon. Napahawak naman sila sa dibdib sa gulat. Hindi ako nagsalita, nakatingin lang ako ng diretso sa kanila.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon