❅️ Chapter 44

88 7 0
                                    

Yesa's POV

MALAKAS ang naging buntong hininga ko. Nasa harap ako ng bintana ko at pinagmamasdan ang kalsada sa baba. Pinapanood ko din ang nanay ni Lynn na naglalaba.

"Miss Yesa." Tawag sa'kin ng lalaki sa pinto ng kwarto ko.

"Yesa na lang. Ang sarkastiko pakinggan ng miss Yesa kapag galing sa'yo." Sagot ko kay Enzo.

"Hoy, Yesa. Mag-almusal ka na daw sabi ni miss Lannie. Ihuhulog ka daw niya diyan sa bintana mo kapag hindi ka pa sumunod."

Nakaawang ang labi ko siyang nilingon. Kanina ay ginagalang niya ako bilang nakakataas niya, ngayon ay parang tropa niya ako kung kausapin. Ibang klase din.

"Hindi ako nagugutom." Binalik ko na ang tingin sa labas. Naramdaman ko namang tinabihan niya ako.

"Sa pagkakaalam ko ay si Zion at sir Yuki ang broken. Bakit parang mas lugmok ka pa kung titignan?"

Napabuntong hininga nanaman ako. Hindi ko din alam kung bakit sobra akong nalulungkot. Hindi ko pa naman naiintindihan ang lahat at ayoko munang tanungin si Yuki, nahihiya naman akong kausapin si Zion. Hindi niya alam na kapatid ko si Yuki pero nakakahiya pa din. Pakiramdam ko ay magagalit din sa akin si Zion.

Nagflashback nanaman sa utak ko ang mga nangyari kagabi. Iyong pag-iyak ni Zion ng walang emosyon, iyong pagbugbog niya kay Yuki at ang katarantaduhan ni Amber. Gusto kong magalit kay Amber ng sobra pero dapat ko muna siyang pakinggan.

"Baka may magandang rason kaya nagawa ni Amber na pagsabayin silang dalawa.." nasabi ko na ang nasa utak ko.

"There is no good reason for cheating, it's a choice, Yesa."

"Pero Enzo, kinausap ako ni Amber kahapon sa room. Gusto niyang layuan ko si Zion dahil nagseselos siya. How will you explain that? Ang gulo diba?" Nilingon ko siya at nabigla kung gaano kalapit ang mukha niya sa'kin. Nakatingin din pala siya sa gawi ko. "Lumayo layo ka nga."

"Sorry." Umusod nga siya pero napansin ko na ang pamumula ng tenga niya.

"Makapag-almusal na nga. Baka tuluyan akong mawalan ng gana dahil sa'yo."

Bumaba na ako at sinalubong naman ako ng tingin ni Luna. Dumireto ako sa kusina pero wala si Lannie, wala din ang guwardiya niya. Ibig sabihin ay umalis si Lannie. Kung nasaan naman siya ay naroon ang guwardiya niya.

"Nagtrabaho na po si miss Lannie."

"Sige."

Kakain na sana ako pero nakatayo silang dalawa sa harap ko. Nahirapan tuloy ako sumubo ng kanin dahil sa tingin nila.

"Sabayan niyo na nga ako."

"Kumain ka na." Sagot ni Enzo.

"Ayoko sa lahat ay pinapanood ako ng ganyan tuwing kumakain." Tinuro ko ang mga bakanteng upuan. "Inuutusan ko kayong sabayan ako."

Utos iyon kaya wala silang karapatang tumanggi. Nagluto si Lannie ng sinangag, hotdog, itlog at tocino. Si Enzo ay panay ang tingin sa akin. Kaya ko nga sila pinakain para tigilan ang kakatingin sa'kin.

"Kung pinagkukumpura niyo ang pagkain sa mansion kaysa dito, tigilan niyo na."

"Hindi po, miss Yesa." Sagot agad ni Luna. "Mas masarap po magluto si ma'am Lannie kaysa sa mga chef niyo sa mansion.

"Drop the miss."

"Hindi ka marunong magluto?" Nakataas nanaman ang kilay ni Enzo.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon