❅️ Chapter 30

96 7 0
                                    

Yesa's POV

"ANONG oras ka umuwi kagabi?" Tanong ko kay Lannie pagkababa ko galing sa kwarto.

"Hindi ko maalala eh. Tulog ka na siguro nun."

"Hm." Nagtimpla na ako ng kape. "Halos hindi na tayo nagkikita kahit na nasa iisang bubong lang tayo."

"Pasensya ka na, naging abala ako sa trabaho. Babawi ako sa'yo, anak."

Anak..

Parang hinaplos ang puso ko. May nakakaalala pa pala sa akin na miyembro ng pamilya ko. Akala ko lahat ay tinalikuran na ako.

"Yesa.. galit ka ba sa papa mo?"

"Tinatanong pa ba 'yan?" Kumakain na ako ng sinangag bilang almusal.

"Hindi mo ba nami-miss ang lola mo at mga kapatid?"

"Nami-miss, pero hindi ko rin naman sila mabibigyan ng oras."

"Bumalik na kaya ikaw sa mansion? Sasamahan kita, bumalik na tayo."

Natigil ako sa pagkain. "Bakit biglang gusto mong bumalik doon?"

"Nag-aalala lang ako sa'yo. Lumalaki kang malayo ang loob sa papa mo."

"Lumaki na akong malayo ang loob sa kanya." Tumayo na ako. "Tapos na ako kumain. Hindi ako babalik doon, Lannie. Kung gusto mo ay ikaw na lang."

Naligo na ako pagkatapos nun. Paglabas ko ng banyo ay agad akong nagbihis. Hindi naman ako nagsusuklay kaya bumaba na ako at kinuha ang bag. Nabigla akong makita si Daren sa couch. Abot abot ang ngiti niya ng makita ako.

"Tara na?"

"Bakit andito ka?"

"Nag-decide akong isabay ka na sa kotse tuwing papasok. Let's go?"

Anu pa nga ba?

"Mag-iingat kayo, Daren at Yesa."

"Yes po, tita."

"Anong tita?" Pakikisali ko sa usapan.

"Paggalang lang iyon."

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Mabilis siyang umikot at sumakay na din. Kumaway pa siya kay Lannie na nakatingin sa amin sa labas bago pinaandar ang kotse.

Ang tahimik namin. Tinitingnan ko naman ang loob ng kotse niya. Natigil ang tingin ko sa isang picture sa ibabaw ng dashboard niya. Isa iyong babae na sobrang ganda.

"Sino 'yan?"

"Si Mica. Maganda siya noh?"

"Hmm." Pinagmasdan ko uli iyong babae

"Selos ka ba?"

Tiningnan ko siya. "Bakit naman ako magseselos?"

"Kasi may picture siya sa kotse ko."

"Kaselos selos ba 'yun?"

"HAHAHAHA! Ang cute mo, Yesa." Pinisil niya ang pisnge ko pero ikinampay ko naman ang kamay ko kaya binitawan niya ako.

Yabang nito. Akala mo siya si Ryu para pagselosan ko.

"Girlfriend mo?"

"Grabe ka! Anong tingin mo sa'kin babaero?"

"Oo." Napaawang ang bibig niya dahil sa sagot ko.

Para namang hindi ko siya kilala. Babaero si Daren at wala pang naging matinong relasyon. Isang bagay na ayaw ko sa mga lalaki. Kaya nga kay Ryu ako nagkagusto. Charming, handsome and smart.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon