❅️ Chapter 41

93 4 0
                                    

Yesa's POV

KAHAPON, matapos nila akong iwan na nagtataka, may sumugod na dalawang lalaki at binalak akong nakawan. Madilim kasi sa parteng dinaanan ko at walang masyadong tao, delikado talaga kung maglalakad lang ako lagi tuwing uuwi.

Wala namang nakuha sa akin ang dalawang holdaper, ni hindi nga nila ako nahawakan. Nakatayo lang ako buong oras at pinanood silang tapusin nila Luna at Enzo. Sinabi ko namang nasa paligid lang ang dalawang iyon para bantayan ako lagi, medyo nakakairita lang. Hinayaan ko na lang sila kung anung gagawin nila sa dalawang lalaking iyon at dumiretso na ako sa bahay.

Si Enzo ay umuuwi sa bahay nila, habang nakatira naman malapit sa amin sila Luna,  Francisco at Carlina. Dalawang bahay lang ang layo nilang tatlo sa amin at kung hindi ako nagkakamali, palagi silang nakamasid sa amin para magbantay. Umaalis si Carlina minsan para magbigay report sa tatay ko tungkol sa kalagayan namin. Naiirita na ako sa ganitong sitwasyon, parang hawak nanaman ng tatay ko ang buhay ko. Pero kailangan kong sumunod muna dahil hindi lang ako ang mapapahamak, pati na rin si Lannie.

May kanya kanya kaming trabaho ngayon. Ako ay ang nag-aasikaso ng kaso tungkol sa mga nangyayari, kaagapay ko si Yuki. Ang trabaho nila Enzo at Luna ay magbigay proteksyon sa akin, iyon lang at wala ng iba. Kung nanganib man ang buhay ni Lannie ay hindi kasalanan ng tao ko. Trabaho na nila Francisco at Carlina iyon.

Ilang araw na ang lumipas at nasasanag na din ako sa dalawa kong bantay
Sa totoo lang ay kaya ko naman ang sarili ko. Huwebes ngayon at periodical test namin, maaga akong pumasok. Hindi dahil may test kun'di dahil maaga pumapasok si Enzo at kailangan kong sumabay sa oras niya.

"Nag-review kayo?" Tanong ni Lynn.

"Hindi." Sabay naming sagot ni Zion.

"Napagod ako sa part time sa shop, hindi sanay ang katawan ko kaya nakatulog agad ako. Di tuloy ako nakapag-review." Pagnguso ni Ruby.

"Gumawa pa ng rason."

"Nakatulog talaga ako kagabi, Lynn! Kaya siguro, babagsak ako ngayon.."

"Edi ayos! May karamay ako. WAHAHAHAHAHAHA!!"

Hindi ko na lang pinansin si Lynn. Kukunin ko sana ang chocolate sa bag para kainin pero nakita ko ang presidente ng SSG na dire-diretsong pumasok sa room namin. Natigil ang lahat sa ginagawa nang makita nila si Enzo-ng naupo sa upuan sa harap ko.

Napapikit ako sa pagpipigil sa inis. Sila Lynn ay lumapit sa'min at naupo na rin, makiki-tsismis nanaman ito.

"Naparito ka?" Pagsisimula ko ng usapan.

"Hindi ka kumain kanina, binilhan kita ng makakain."

Alam niya ba ang ginagawa niya?!

Tama siya, pinatong niya sa desk ko ang isang supot ng palabok. Tiningnan ko sandali ang palabok bago binalik sa kanya ang tingin.

"Ayoko–"

"Eat."

"Huwag ko akong utusan–"

"Hindi mo ako madadala sa tigas ng ulo mo. Kumain ka." Matigas niyang sabi.

Sino ba talaga sa amin ang boss?

"You can't focus to our periodical tests if your stomach is empty."

"Bakit mo ba pinipilit ang kaibigan namin?" Tibay ni Ruby. Pero tinaasan lang siya ni Enzo ng kilay.

"Araw araw na lang kayo nagtatanong. Sinabi nang trabaho kong protektahan siya at alagaan. Manahimik na lang kayo, may pag-uusapan din kami."

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon