❅️ Chapter 48

75 6 0
                                    

Yesa's POV

Habang naglalakad palabas ng canteen, kinuha ko ang phone para tawagan si Enzo.

"Bakit?" Sagot niya.

"Aalis ako. Pwede mo bang ipaalam sa mga teachers ko na masakit ang tiyan ko at umuwi na?"

"Noted." Binaba ko na ang tawag at si Luna naman ang tinawagan. "Magpadala ka ng sasakyan, may pupuntahan ako."

"Location, miss?"

"School. 20 minutes ba kaya na?"

"Noted, miss Yesa. Ako na pong magda-drive." Malamang, wala pa akong lisensya eh.

Nagtungo na ako sa gate at agad naman akong hinarangan ng mga guwardiya doon. Pero saktong paglapit ko ay ang pagdating ni Enzo.

"Hindi pa labasan."

"Kuya, may letter ako galing sa clinic. Masama ang lagay ng tiyan niya at pinapauwi na." Sabi ni Enzo sabay bigay ng letter.

"Mm.. sige. Makakalabas ka na."

"Hatid ko lang po siya hanngang sa labas." Tinanguan siya ng guard at sabay kaming lumabas. "Ako ang gumawa ng letter at kapag may nakaalam nito, mahuhuli ako."

"Huwag kang mag-alala. Bye." sabi ko at pinapasok na uli siya sa school. Ang ganda talaga kapag mabilis magtrabaho ang mga tao ng pamilya ko.

Aftee fifteen minutes, Luna came. Sumakay na ako ng kotse at sinabihang baha ako sa bahay ni Zion. Alam niya naman iyon dahil kasama ko siya noong pumunta ako noon.

Nakarating agad kami dahil maluwag ang kalsada. Napansin ko agad ang babae sa labas ng gate nila Zion. May kasama siya at pinapayungan siya. Nang makababa ako ng kotse ay nagtama agad ang tingin namin. Hindi ko siya pinansin at nagdoor bell na lang.

"He will not let you in." Sabi ni Amber.

"Akala ko masama pakiramdam mo?"

"How did you know?.. Ah. Daren told you?"

Hindi ko na siya sinagot ni lingunin ay hindi ko ginawa. Baka bigla ko na lang ihampas ang mukha niya sa gate.

"So what are you doing here? Balak mo talagang agawin sa'kin si Zion dahil break na kami?" Bahala ka diyan kumuda, manok. "Hindi ka niya magugustuhan. Look at you, sa maraming bagay ay mas malamang ako." Nag doorbell na lang uli ako pero iyong mahaba na. "Nakakabingi! Stop it! I told you he will not let you in."

"Nakakabingi pala eh bakit di ka tumahimik?"

"Dahil ayokong matulad sa'yo. Palaging may sariling mundo."

Inaano ko ba siya?

"Hindi ba't pinili mo si Yuki? Bakit ka nandito?" Tanong ko na din

"Ah iyon ba? Tinakwil niya ako noong gabing pinili ko siya eh." Parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi niya. Iyong totoo, may konsensya pa ba siya?

"Sa tingin ko hindi pa sapat ang naibigay kong sapak sa'yo noong gabing' yun. Gusto mo dagdagan ko?"

Tinaasan niya lang ako ni kilay. Masyado siyang kampante na ipagtatanggol siya ni Zion kapag sinapak ko siya. Tss.

Muli akong nagdoorbell at sa pagkakataong ito, may nakita akong sumilip. Ang mama iyon ni Zion, sumilip siya mula sa bintana ng bahay nila at ngumiti nang makita ako.

"Sabi nang hindi ka niya papapasukin. I've been here for two damn hours, Yesa. And no one came ou—"

"Eshna!!" Tawag ng mama niya nng makalabas ng gate. Yinakap niya ako kaya yinakap ko na lang din siya. "Akala ko ay hindi ka na babalik dito dahil kay Zion."

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon