❅️ Chapter 11

111 6 0
                                    

Yesa's POV

NATAPOS ang araw na ito na tahimik lang ako. Hindi na ako nagsalita nang makabalik kami ni Zion sa canteen para kumain. Medyo huli na nga kami kaya nagmadali kami sa paglamon. Suot suot ko sa baywang ang jacket niya at hindi na tinanggal pa hanggang sa makauwi. Mabuti na lang at hindi na tumagos pa.

Kanina pa ako nakauwi at alas otso na wala pa si Lanny. Kanina pa ako nakaupo sa tapat ng mesa, nag-aantay na may himalang dumating at pakainin ako. Ilang beses ko siyang sinubukan contact-in pero hindi siya sumasagot. Kumukulo na ang tiyan ko, nakakahiya namang kumatok kina Lynn para humingi ng makakakain.

"Mochi mochi!" Sagot ni Yuki nang tawagan ko siya.

"Mochi mochi mo mukha mo! Nagugutom ako!"

"Oh anung gagawin ko, prinsesa ko?"

"Pagkain!" Iritado kong sagot.

"Nasa office ako–"

"Mag-aantay ako. Send ko address." Sagot ko bago binaba ang tawag.

Subukan niya lang talagang ipagpalit ang nagugutom niyang prinsesa sa trabaho, mayayari siya sa'kin.

Hindi ako nagkamali. Minuto lang ang lumipas at nakarinig na ako ng tunog ng kotse sa labas ng bahay. Hindi ako tumayo at nanatiling nakaupo sa harap ng mesa. Bumukas ang pinto ng bahay.

"Yesa?"

Hindi ako sumagot. Sumimangot lang ako at inantay ang paglapit niya sa akin. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang hakbang ni Yuki sa likod ko.

"Baby, bakit walang ilaw? Naputulan ba kayo?"

Tinuro ko ang switch sa gilid niya. Binuksan niya naman iyon at napapikit pa ako sa liwanag. Nang makapag-adjust ang mata ko sa ilaw ay nilapag niya na ang mga take out foods na dala niya. Kinalkal ko agad para tingnan kung anung laman ng mga iyon. Marami kasi siyang dinala. Nagliwanag ang mata ko nang makita ang fried chicken.

"Hayy, gutom na gutom ka. Wala kang kasama?" Umiling lang ako.

Nilamutak ko na ang dala niya. Kumuha din siya at sumubo. Siguro ay hindi pa din siya kumakain.

"Hindi na ako nag-abala pang buksan kanina ang ilaw." Sagot ko sa tanong niya kanina.

"Aaahhh!" Hindi na siya nagsalita. Alam naman niyang busy na ako sa pagnguya ng mga dala niya. Pinagmasdan niya na lang ako.

"Musta?" Pagsasalita ko para hindi naman siya ma-bored.

"Wow! Concern ka na sa'kin? Marunong ka na palang mangamusta ngayon."

"Tss."

"HAHAHAHA! Ayos lang ako. Maraming gawain pero natigil."

"Kasi pinapunta kita dito?" Tinaasan ko siya ng kilay. Sinasabi niya bang kasalanan ko kung bakit natigil siya sa mga gawain niya?

"Hindi ah. Pero parang ganun na nga. HAHAHAHA. Ang liit pala ng bahay niyo."

"Hmm. Kung sa'yo ay kwarto lang ito." Mayaman siya eh.

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan! Saka ibaba mo nga iyang paa mo,kumakain ka oh. Kamusta pag-aaral mo?"

Hindi ko siya sinunod. Hilig ko kasing ipatong ang paa sa upuan tuwing kumakain. "Ayos naman. Sisiw."

"Anung sisiw? Ang yabang mo ah!"

"Madali lang naman kasi ang tinuturo. Pahirap lang iyong mga teacher na walang good moral."

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon