❅️ Chapter 38

92 5 0
                                    

Someone's POV

NAGLALAKAD na ako palapit sa kanya. Hindi ko alam kung bakit sa lugar na ito niya napili kaming magkita. Nakatalikod siya sa'kin habang tinatanaw ang tanawin, ang buong siyudad. Sumasabay sa ihip ng hangin ang mahaba niyang buhok. Yumuko ako para magbigay galang kahit nakatalikod siya sa'kin.

"Balita?" Nakatingin pa din siya sa tanawin.

"Malapit si master Ni sa isa sa mga Tagashi. Ang Tagashi family ay isa sa mga kilalang negosyante hindi lang dito, kung hindi pati sa ibang bansa. Mahihirapan tayong kalabanin ang ganoon kabigating pamilya."

"Bigatin? Kilala?" Inuulit ang mga sinabi ko sa sarkastikong paraan. "Linawin mo nga sa'kin kung anong kinalaman ng Tagashi at bakit natin sila kakalabanin."

"Ang babaeng Tagashi.. matalino siya. Alam kong hindi niya man sabihin ay pinaghihinalaan niya na ngayon ang pagkatao ni master. Si master naman ay masyadong mataas ang tiwala sa kanya at naibubulgar ang ilang bagay na hindi dapat."

Sa wakas at nilingon niya na ako. Pero hindi ko nagustuhan ang nanlilisik niyang mga mata. Ang nakakatakot niyang aura ay bumabalot sa paligid. Ito ang dahilan kung bakit nananatiling lihim ang pagkakakilanlan ng kanilang pamilya, ang pamilya ni master Ni.

"Anong ginawa mo?" Pagtatanong niya.

"Sinubukan ko po si master Ni. Binigyan ko siya ng dalawang taong kailangan mapaslang. Una ay ang kilalang negosyante ring si Marcus Pedrona, pangalawa ay ang babaeng Tagashi mismo."

"Ahh." Bahagya siyang ngumiti. "Mainam. Magaling ka talaga. Sinusubukan mo kung gaano kalalim ang koneksyon niya sa babaeng Tagashi. Nabalitaan kong natagpuan na ngang patay ang Marcus na iyon. Kung nagawa niyang patayin ang kilalang negosyanteng iyon, magagawa din niya kaya sa babaeng Tadashi." Tumahimik siya na parang nag-iisip. "Kapag nagawa niya, ibig sabihin ay nakikipag-plastikan lang siya sa babae na iyon. Pero anong pwedeng gawin kapag hindi niya napatay ang babae?.."

"Kayo pong bahala, master." Dahil ang totoo...

"Teka—may alam ba ang babae na iyon na pamilya niya ang target natin? Saka, pamilyar ang apelyedo nila. Are they Japanese?"

Ang totoo....

"Hai." (Yes) "They are Japanese, but their father, Mr. Reyagan, is a Filipino... No, master. Sa tingin ko ay wala pang alam ang babaeng Tagashi na pinupuntirya siya." Kinakabahan ako pero hindi ko dapat ipahalata... Dahil kalahati sa sinabi ko, ay hindi totoo.

Alam kong may nakikinig sa'min ni master Ni noong nag-usap kami at sa lakas din ng pakiramdam niya, alam kong alam niya din. Pero hindi namin inasahan na si Daren, isa sa mga kaibigan niya ang nakarinig sa amin at sinabi agad kay Yesa. Madali lang linisin ang kalat na iyon kung hindi lang kaibigan nila. Iniiwasan naming galawin ang mga taong malapit kay master dahil madali siyang paghihinalaan. Pero ang babaeng Tagashi, ngayong may nalalaman na siya sa kayang gawin namin, maalerto na siya. Gagawa na siya ng hakbang para protektahan ang sarili at pamilya.

"Hmm.. Kung ganun aantayin na lang natin kung gagawa ba siya ng hakbang para patahimikin ang babaeng Tagashi." Umiling iling siya. "Hayy.... Kapag hindi niya tinapos ang babaeng iyon, ako na lang ang gagawa. Patuloy mo silang pagmasdan."

Bumigat ang paghinga ko. Kinabahan ako ng sobra dahil si master na ang kikilos. Ang taong nasa harap ko ngayon ay ang panganay sa magkakapatid, pero ang master ko, kung saan mas tapat ako ay sa kapatid niya, si master Ni. Mas sinusunod ko ang utos ni master Ni na kapatid niya kaysa sa kanya.

Ang ikinakabahala ko ay kapag nalaman niya. Kapag nalaman niyang hindi si master Ni ang pumatay sa negosyanteng si Marcus Pedrona kung hindi ako. Ako ang tumapos ng buhay niya para kay master Ni. Pero paano na ngayon? Gusto ko lang naman na maging masaya si master Ni sa bago niyang buhay kasama ang mga kaibigan. Ayaw niya ng gumawa ng ganitong trabaho, ang gusto niya lang ay mamuhay na parang isang normal na teenager. Gusto kong ibigay sa kanya ang kasiyahan na iyon at hindi ko magagawang paslangin ang babaeng Tagashi o isa man sa mga kaibigan niya.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon