❅️ Chapter 2

263 6 0
                                    

Chapter 2

Lynn's POV

Sinalubong ko ang guard sa school ng may ngiti sa labi. Kumaway kaway pa ako sa mga students, kilala ko man o hindi.

"Hello LCHS!"

Pumikit pikit pa ako habang inaamoy ang hangin. Bad trip lang dahil usok ang nasingot ko, pa sosyal kasi ang teacher na 'yun pa kotse kotse pa. Winasiwas ko na lang ang buhok ko at buong ngiting sinalubong ang mga students.

"Goood morning students!"

Ang ilan ay nginitian ako. Ang iba naman ay snob lang at iyong iba ay umiwas na para akong baliw. Ang sama.

"Hi Lynn."

"Good morning din Lynn."

Buti pa iyong iba binati ako. Well sa pretty kong 'to magiging choosy pa ba sila? Huwag na silang mag-inarte dahil si Wennalynn Rose Bartolome na ang nag good morning sa kanila. Talagang magiging good ang morning nila niyan.

Hayy.. Buti pa sila kasama na nila best friend nila. Si Yesa kasi ay hindi ko maramdaman. Bigla na lang akong magugulat at katabi ko na. May number niya ako pero hindi naman nagre-reply ang gaga. Kapag tinawagan mo naman siya ay hindi siya magsasalita hanggat hindi mo sasabihin ang sadya mo. Akala mo ay bilang lang ang salitang pwedeng sabihin niya. Parang ikakamatay niya kapag lagpas sampung salita ang nasabi niya. Naloloka ako sa babaeng iyon.

Pero masaya siya kasama. Kahit hindi ko marinig ang mga comments niya sa mga sinasabi ko, nararamdaman ko namang pinakikinggan niya ako. Nakakatuwa nga kapag dadaan kami sa hallway at kasama ko siya. Nag-iiwasan ang mga tao para makadaan siya, feeling ko tuloy prinsesa ako! Ewan ko ba kung bakit takot ang mga tao sa kanya. Mabait naman talaga siya. Mangingilabot ka lang talaga sa mga titig niya.

"Ayt! Nandiyan ka na pala." Speaking of..

"Hmm."

Dahil nagkasabay na kami sa hallway, dumiretso na din kami sa room. Sakto! Dahil kapapasok lang din ni Zion. Tumakbo ako para salubungin siya. Pawang nagulat siya pero mabilis na naging malamig muli ang reaksyon.

"Good morning Zion!"

"Morning." Tipid na sagot at nilagpasan na ako.

Nagulat ako nang harangan naman ni Yesa ang daraanan ni Zion. Tinapunan agad siya ni Zion ng tingin.

"Plan." Ani Yesa.

"For what?" Tinitigan ni Yesa ng makahulugan si Zion. "Tss. I'll discuss it."

Sabay silang pumasok ng room. Naiwan akong tulala at nganga.

What was that?!

Parang kahapon lang ay magkaaway sila! Anung plano ang sinasabi ni Yesa? May binabalak kaya ang dalawang 'yun? Bakit hindi ako kasama?.. Maduga! Hmmmp.

"Pasalamat ka dahil mahilig ako magbasa ng romantic novels." Saad ni Zion nang makalapit ako sa kanila.

"Bigyan mo na ako ng ideya."

"Kailangan mo munang mapalapit."

Wala akong maintindihan

"Kailangan mo siyang kausapin ng madalas."

"Hindi ako madaldal."

"That's not my problem anymore." Tumuwid ng upo si Zion

Anu bang pinag-uusapan nila..

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon