❅️ Chapter 37

78 4 0
                                    

Zion's POV

Ang weird ni Yesa. Madalas naman niya akong tingnan pero kung makatitig siya sa'kin ay parang susunggaban ako ng suntok. Bumuntong hininga na lang ako at tumingin sa baba ng puno.

"Anung sinabi mo?"

Binalik ko na sa kanya ang atensyon. Wait–Hindi naman niya binigyan ng ibang kahulugan ang sinabi ko diba?

"Um, I like you?"

Kanina ay parang wala lang sa'kin na sabihin iyon. Ngayon kumakabog na ang puso ko sa kaba.

Hindi niya naman ako ihuhulog diba?

"Anung gusto mo ako?" Naguguluhang aniya.

"Gusto ko ang ugali mo, ang paraan ng pakikitungo mo sa'kin, gusto kita." I sighed. "I hope we stay best friends forever. Ngayon lang ako nakakilala ng taong may pagkakapareho sa'kin, ng taong nakakaintindi sa'kin, ng taong handa laging makinig sa kadramahan ko at babatukan ako.. sabay aasarin." Napangisi ako.

Nagtaka na ako sa katahimikan ni Yesa. Nang lingunin ko siya ay titig na titig siya sa akin habang nakahawak sa banda kung nasan ang puso niya.

Anung nangyari dito?

KRACK**

"Anong nangyari sa'yo?"

"Hindi ko din alam.. Tinatanong ko din ang sarili ko kung bakit umasa ako na iba ang sasabihin mo?"

I raised a brow. "I don't get you."

"Nani..?! Anu bang sinasabi ko?" Now she's talking to herself.

"Nasisiraan ka na ba ng bait?"

"Hindi—Ano.."

KKRAACK**

Nagkatinginan kami ni Yesa. Hindi kami gumalaw na parang mga ibon na nagpapakiramdaman lang. Matalino siya, alam kong alam niya ang nangyayari.

Dahan dahan siyang tumingin sa baba. Medyo may kataasan kami, siguro hindi na rin masamang tumalon.

"Don't make a move." Paalala niya.

"I know. Shut up, I'm thinking."

Ayos lang kasi kung ako lang ang mahuhulog. Pero may kasama ako, at babae pa! Kahit hindi mukhang babae, babae pa din. Kung makakaya ko lang siya ibaba ng marahan, pero nahihirapan na akong kumilos.

"You shut up, not me."

"Oh please, mamaya na tayo magtalo–Huwag kang malikot!" Sigaw ko na sa kanya.

KRAAAAACCKK**

Any seconds from now, mababali ang sanga. Think, Zion. Think!

"Huwag mo akong sigawan–"

KRACK! **

Natigilan siya sa pagsasalita nang yakapin ko ang ulo niya. Tuluyan na ngang nabali ang sangang inuupuan namin tulad ng inaasahan ko.

Parang bumagal ang paligid habang nahuhulog kami. Ipinikit ko na lang ang mata habang mahigpit pa ding nakayakap kay Yesa. I must protect her head. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagtaas ng kamay niya at tulad ko, inakap niya ang ulo ko. Hindi ko akalaing gagawin niya din iyon kahit nahihirapan siyang gumalaw.

Napaubo ako nang bumagsak ako sa lupa. Pero hindi pa doon natatapos, nagpagulong gulong kami. Sumasakit na ang katawan ko sa mga sanga at batong tumatama sa katawan ko hanggang sa tumigil na kami.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon