❅️ Chapter 22

89 8 0
                                    

Yesa's POV

BIYERNES na ngayon. Kakatapos lang ng first subject nang biglang lumapit sa amin si Felipe. Una niya akong tinapunan ng tingin sunod kay Ruby. Panghuli ay ang nasa gitna namin, si Lynn. Pinatong ni Felipe ang kamay niya sa desk ni Lynn at inilapit ang mukha niya kay Lynn. Nilabanan naman siya ni Lynn ng tingin.

"Lumayo ka sa kanila, Felipe." Pagbabanta ni Ryu.

"Naalala mo ba 'yung ginawa mo sa'kin kahapon?"

"Oo. Gusto mo bang ulitin ko?"

Nilapit ni Felipe ang mukha niya, sinasalubong ang tingin ni Lynn na nag-iinit. Si Ruby ay mababakas ang takot para sa mangyayari.

"Lumayo ka sabi kay, Lynn!" Napatayo na si Ryu.

Umayos na ng pagkakatayo si Felipe. Muli niya kaming tiningnan isa isa bago ngumisi.

"Babalikan ko kayo." Nalipat ang tingin niya kay Lynn. "At kapag sinabi kong kayo, pati kapatid mo!"

Bumalik na si Felipe sa upuan niya at ang pagkabahala sa atmospera ay nawala na. Nakahinga na sila ng maluwag.

Masyado silang takot sa biik na 'yun.

"Magandang umaga sa lahat!"

"Magandang umaga din po, ginoong Aleno!" Pagbati ng mga kaklase namin kay sir.

"Nabanggit na ba ng ibang teachers niyo sa inyo ang mangyayari sa anniversary ng school?"

Sa lahat ng teacher namin, si sir Aleno ang pinakamalapit sa amin. Parang magkakaibigan lang ang turingan ng buong klase sa kanya. Maganda kasi siya makitungo at palaging nakangiti. Siya ang teacher namin sa Filipino. Sa lahat din ng teacher, siya ang hindi ko pa kinakakitaan ng takot sa akin. Masyado kasi akong basagulera mula pa noong first year. At mas maraming natatakot sa akin ngayong nasa third year na ako. Pero maayos naman ang grades ko at hindi naman ako basta basta nakikipag-away. Kapag ayoko lang ng pakikitungo ng tao sa akin ay saka ako lumalaban.

"Magkakaroon ng booths ang bawat section. Kayo na ang bahala kung anong gagawin niyo, may award ang may pinakamaganda at mabentang booth. Magkakaroon din ng presentation ang bawat klase."

"Ginoo." Nagtaas ng kamay ang presidente namin. "Anu pong gagawin sa presentation?"

"Parang contest na din iyon. Kailangang may sumali mula sa section niyo at mag-present ng talento niya o nila. Kayo ng pumili kung sino ang sasali sa inyo."

"Required ba 'yun?" Tanong ng isa.

"Oo at mas maganda din namang may ilalaban din ang section niyo."

Nabo-boring ako sa pinag-uusapan nila kaya yumuko na lang ako.

NAKARAMDAM ako ng tapik sa balikat ko. Hindi ko naman iyon pinansin at nanatiling nakapikit. Bigla ay narinig ko ang malambing na pagtawag ni Ryu sa pangalan ko.. ang sarap pakinggan.

"Lakasan mo, Ryu."

"YEEEESSSAAAAAAAAA!!!" Napabangon ako bigla at tiningnan ang paligid. Nakatulog pala ako. "Nagising ka na din sa wakas."

Ang lapit ng mukha ni Ryu..

Naputol ang pagtitig ko sa mukha ni Ryu dahil sa pagdaan ni Zion sa likod niya. Tumigil si Zion at tiningnan ako, hawak nanaman ang libro niya.

"Dapat diyan binubuhusan ng malamig na tubig para magising." Sumama ang mukha ko sa sinabi ni Zion. ".. magising sa katotohanang malabong maging kayo." Sabi niya at naglakad na.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon