❅️ Chapter 15

110 7 2
                                    

Yesa's POV

"Zion.." naaawang tawag ni Ruby. "Huwag mong sabihin 'yan.."

Si Zion...nakangiti siya.

Tulad ko ay madalang lang kaming kakitaan ng reaksyon sa mga bagay bagay. Nakita ko nang ngumiti si Zion pero hindi ang ganito. Parang anumang oras ay iiyak siya.

Sa tingin mo, sinong gugustuhing maging boyfriend ako?

"Ako." Nagulat ako nang magsalita si Ryu! A-Anung ibig niyang sabihin..?! "Gugustuhin kitang maging boyfriend."

"Pfft–BWAAHAHAHAHA!" Hindi na napigilang tumawa ni Lynn.

Nakatingin lang ako kay Ryu at pinoproseso pa ng utak ko ang sinabi niya. Hindi ko matanggap ang mga narinig. Gusto kong ngumawa ng ngumawa!

Gugustuhin niyang maging sila ni Zion? Bakla siya?!! Bakla ang Ryu ko?!! Hindiiiii....

"Isa kang mabuting kaibigan, Zion." Nakangiting sambit ni Ryu.. iiyak na talaga ako! "Tahimik ka man pero alam kong kapag may taong kumakausap sa'yo ay nakikinig ka. Hindi mo man nae-express ang nararamdaman mo minsan, naiintindihan naman ikaw. Kaya kung pwede, gugustuhin nga kitang maging boyfriend."

"Hindi!!!" Napasigaw na ako.

Hinawakan ni Zion ang kamay ko, pinapakalma ako. Pero paano ako kakalma kung ang taong nagugustuhan ko ay may gusto sa kaibigan namin! This can't be happening. Lamunin na ako ng sahig ngayon na!

"Hahahaha!" Tawa ni Ryu. "Huwag mo mamasamain ang sinabi ko.. gusto ko lang na ipaintindi sa'yo."

Tinanguan siya ni Zion. Bumalik na sa dati si Zion. Hindi na nakangiti at kalmado, walang reaksyon. Pero ako! Hindi ko na alam ang mararamdaman ko!

"Ilang kanto lang ang lapit ng bahay niyo diba?" Pag-iiba ni Zion ng topic.

"Yah yah! Pero malayo pa din kung lalakarin." Sagot ni Lynn.

"Lynn, Yesa." Tawag sa amin ni Zion. "Sasabihin ko sa inyo ang lahat ng nangyari sa amin ni Amber, kung mauunahan niyo akong makarating sa bahay ni Yesa."

Ha? Karera ba ito?

Dahil sa kagustuhan ni Lynn na makasagap ng tsismis, eto kami ngayon sa labas ng ice cream house. Kamalas malasan pa dahil umaambon. Nakatingala kaming lahat sa langit.

"Pano 'yan? Umaambon?" Aniya Ruby.

"Sigurado kayo sa gagawin niyo?" Tanong naman ni Ryu.

"Oo naman!" Sagot ni Lynn. Bumaling siya kay Zion. "Walang rules diba? Ang sabi mo lang paunahan makarating sa bahay ni Yesa? Pwedeng mag jeep?"

"Oo naman." Taas noong sagot ni Zion. "Kahit ano pwede.. kahit ano." Dahan dahan siyang lumingon sa'kin.

Nanghahamon ang tingin ni Zion. Nginisian ko naman siya. Traffic ngayon ang daan papunta sa amin. Kung ako kay Lynn, tatakbo na lang ako. Pero mahirap makipag-karera dahil maraming tao ang naglalakad ngayon sa daan. Isang daan lang ang naiisip ko para mabilis na makauwi sa amin. Kung hindi pwede sa baba.. sa taas ako dadaan.

"Mag-iingat kayo ah." Paalam ni Ruby

"Are you ready, guys?" Aniya Ryu. Inayos ko na ang pagkakasukbit ng bag ko, ganun din si Zion. Nag-iinit ang dugo ko kay Zion sa di malamang dahilan. Tatalunin ko siya. Nilibot ko ng tingin ang paligid hanggang sa makakita ako ng pwedeng magamit. "Ready and... GO!"

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon