❅️ Chapter 52

88 7 1
                                    

Zion's POV

I saw Enzo running behind Yesa. I got curious and of course I can't let them solo in this dark night, baka anu pang gawin niya kay Yesa.

Ang bagal ng guwardiya ni Yesa kaya inunahan ko na siya, pero hindi ako nagpahalata na sinusundan ko sila. Nahabol ko si Yesa pero nanatili ako sa likod ng isang puno. Pinanood ko muna sila ng isang taong puros itim ang suot na mag-usap.

May napansin pa akong isang taong nasa taaa ng puno. Nagtalo pa sila ni Yesa at nagpagulong gulong si Yesa. Ang taong nasa itaas ng puno ay lumapit kay Yesa para kunin siya. Umalis na ang taong nakaitim at lumapit na ako kay Yesa.

Buhat siya ng isa pang taong nakaitim na kanina ay nasa itaas ng puno. Nilapag niya si Yesa sa harap ko saka siya umalis ng walang sabi. Kinuha ko na si Yesa at ibinuhat sa likod ko.

Hold on, Yesa.

Naghahalo na ang dumi at dugo niya sa damit ko. Nasaan na ba kasi si Enzo?

"Ryu?"

Bakit Ryu ang tawag niya sa'kin? Wala naman si Ryu dito. Gumagana na ata uli ang imahinasyon niya kay Ryu.

"Ryu."

"I am not your Ryu, it's me. Zion."

Pero hindi na siya sumagot kaya inalog alog ko siya. Talagang nakatulog na ata siya. May mga ilaw ng flashlight akong nakikita, ilang sandali pa ay nakita na nila kami.

"Ayun sila!" Turong isang student.

Lumapit na sila sa amin at kasunod nila ay ang mga pulis. Mukhang tumawag si Enzo ng tulong.

"Ligtas ka na, Yesa."

Isa lang ang pinayagan na sumabay sa kanya sa ambulansya at nakipagtalo pa ako kay Enzo. Pinagdidiinan niyang siya ang guwardiya ni Yesa. Sinasagot ko naman siyang wala siyang kwentang guwardiya. In the end, ako ang sumabay sa ambulansya.

"Kaano-ano ka ng patient?"

"Kaibigan niya." Sagot ko sa nurse.

"May number ka ba ng kamag-anak niya?"

"Tatawagan ko." Kahit ayoko.

May number ako ng kapatid ni Yesa. Galing ito kay Lynn at nagkausap kami ni Yuki noong nakaraang linggo para ayusin ang alitan namin. Tulad niya ay ayaw niya din namang maging kaaway ang kaibigan ng kapatid niya, ganun din ako. Ayaw kong maging kaaway ang kaibigan ng kapatid ko.

Pero alam kong magiging awkward kapag kami ang magiging bantay ni Yesa. Whatever.

"Hey, it's me." Panimula ko

"I know it's you. Nakaregister ang number mo sa phone ko.. hulaan mo ang pangalan." Kabaliktaran siya ng kapatid niya. Feeling close din siya pero ayos na ito.

"Nasa ospital ang kapatid mo."

"What?!!"

"Nasa ospital ang kapatid mo."

"Saang ospital?"

"Isend ko na lang sa'yo ang address." Binaba ko na ang tawag. Mas maganda rin palang text na lang ang ginawa ko.

Ilang minuto lang ay dumating na siya. Nag-aalala ang mukha niya pero nagsalubong ang kilay pagkakita sa'kin. Malalaki ang hakbang niya papalapit.

"What the heck happened?"

"Nabugbog."

Nasabunot niya ang sarili. "Yari kami kapag nakarating ito kay daddy! Where is..." nilibot niya ang tingin na parang may hinahanap.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon