❅️ Chapter 45

89 7 0
                                    

Yesa's POV

KANINA pa kami nasa ganitong pwesto. Kanina pa din siya tahimik na umiiyak. Nakakabilib kung paano niya nagagawang umiyak ng walang ingay. Ganoon siya kagaling magtago ng nararamdaman niya.

Habang nakapatong ang ulo niya sa'kin, patuloy kong pinaglalaruan sa mga kamay ang buhok niya. Napakalambot nun at ayoko ng bitawan.

"Bakit ang tahimik mo umiyak?"

"Ayokong may nakakakita ng kahinaan ko. Lalo na kung ang dahilan mismo kung bakit ako ganito ang makakakita sa'kin."

Ang saklap naman nun.

Muli kong tiningnan si Zion na nakaupo sa sahig habang nakapatong ang ulo sa binti ko. Hindi pa rin maalis ang kakaibang pakiramdam sa loob ko. Na parang gusto kong maging ganito na lang siya lagi.

"We look like a couple here." Nakagat ko agad ang labi pagkasabi.

Anong sinasabi ko?!! Nakakahiya kay Zion. But I can't stop myself from smiling.

"Couple of friends."

At agad akong sumimangot sa sinabi niya.

Tumayo na siya para titigan ang nakasimangot kong mukha. Lubog ang mata niya dahil sa matagal na pag-iyak pero mas agaw pansin ang katawan niyang walang pang-itaas na damit.

"Yesa."

"Hmm?"

"Huwag kang tutulad sa'kin." Eh? Si Zion ba talaga siya? Nagiging madrama na. Tch. "Hindi kita hahayaang mapunta na lang sa kung sino sinong lalaki. Mahirap na, baka matulad ka sa'kin."

"Hindi naman ako tulad mo. And can you please stop being dramatic, this is not you"

Maiinis sana ako kaya lang bigla siyang ngumuso. Kala niya naman ang cute niya.

"Galit ka ba dahil binugbog ko ang kaibigan mo?"

"—Ah. Hindi!.. Hindi ako galit ni isa sa inyo." Saad ko. "Hindi ako galit sa'yo dahil nadala ka lang ng damdamin mo, hindi ako galit kay Yuki dahil hindi niya naman alam ang pinagdaanan mo. Biktima lang siya, kayo.."

Napayuko ako. Iniisip ko kung magagalit din sa akin si Zion kapag nalaman niyang kapatid ako ni Yuki.

"Simula ngayon, Yesa." Binalik ko na ang tingin sa kanya. "Hindi ko hahayaang may lalapit sa'yong lalaki, maliban sa'kin."

Heto nanaman siya..

Lonely is the night~~
When I'm not with you.

"Nagpapatugtog ka pala." Seryoso, ngayon ko lang napansin na nagpapatugtog siya.

Hindi naman kasi ganoon kalakas ang tugtog. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko napansin.

"Kanina pa. Masyado ka kasing tutok sa katawan ko pagpasok mo"

"A-Ano?!"

"Masyado ka kasing tutok sa katawan ko pagpasok mo"

"Narinig ko!"

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto niyang walang kabuhay buhay ang kulay. Naramdaman ko namang sumunod siya sa'kin. Bumaba na kami, nasa hagdan pa lang ay naaamoy ko na ang pagkaing hinanda ng mama niya.

"Yesa, sumabay na daw tayo sa kanila sa pagkain—" naputol ang sasabihin ni Enzo dahil inakbayan na ako ni Zion at dinala sa kusina.

"Sasabay siya, hindi mo kailangang sabihin pa iyon." Saad ni Zion pero hindi man lang hinarap si Enzo.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon