❅️ Chapter 33

85 8 0
                                    

Zion's POV

I didn't mean to hurt Yesa's feelings. Hindi ko din alam kung bakit sinabi kong hindi siya maganda, na nakakatakot siya. Kahit na ang totoo ay napaka-cute niya ngayon. She really look like a living doll.

Sabi niya kasi ay aamin na siya kay Ryu. Bigla naman ako nakaramdam na parang gusto kong huwag na muna siyang umamin. Siguro nakakaramdam lang ako ng pag-iisa. Kapag nagka-boyfriend na din si Yesa ay hindi ko na siya madalas makakausap at malalapitan. Siya lang ang kayang magpagaan ng loob na may kasamang insulto. I just want her to be at my side, kahit na ang weird tingnan na may date ako habang siya ay nasa gilid. Hindi ko kayang tumayo sa sariling paa kapag nandiyan na si Amber, minsan oo pero nangingibabaw pa din ang kaba. Maliban na lang kung nasa paligid si Yesa, pinapalakas niya ang loob ko.

Haysst.

"AAAAAHHHHH!!"

"Waaaaaaaaaaaaaaa!"

Ang sakit sa tenga pumesto dito. Tilian ng tilian ang mga tao. Bilib din ako kay Yesa dahil hindi nga siya gumagalaw. Pumipikit naman siya paminsan minsan para hindi maluha. Medyo awkward dahil nasa ibabaw siya ng kabaong ko. I mean hindi naman literal na nakapatong siya sa akin pero parang ganun na din iyon, nasa ibabaw ko siya. Nakabukas ng kalahati ang kabaong kung saan ako nakahiga. Ang dami kasing alam ng mga kaklase ko.

May zombie-kuno na ng hahabol tapos ipapapunta nila sa direction namin. Then kapag malapit na ang mga tao kay Yesa ay tatakutin namin. Blah blah blah.. nabo boring na ako dito. Buti na lang at lima lima lang na tao ang pwedeng pumasok.

"RAAAAAWWWWWRRR!"

"AAAIIICCKKKKK!"

"Lakad na teh! Hinahawakan ng zombie ang paa ko!!!"

Mukhang nandito na sila.

"Ang cute ng doll."

Tch.

"Ang laking manika teh! Takot ako sa manika, tara na!"

"I think I saw this height before.."

Pakiramdam ko ay pinagmamasdan nila si Yesa. Nakapikit ako kaya hindi ko makita ang nangyayari, kunwari patay.

"Teh!! GUMALAW 'YUNG MATA NIYA!" TARA NA! "

Aalis na sana sila nang buksan ko ang mata ko at bumangon. Nagsipagtilian sila ng sobrang lakas. Hindi sila makatakbo dahil hawak pala ni Yesa ang braso ng isa sa kanila.

"Tulongggg!"

"Anong sabi mo sa height ko?" Tanong ni Yesa. Talagang tinanong niya pa?!

"Raaaaaa.." pananakot ko din.

"Teh di ba bestie tayo? Tulungan mo ako. Tanggalin mo ang kamay ng manika sa braso ko!!"

"Teh, I love you, good bye!!" Kumaripas na paalis ang kasama niya.

Nanlisik naman ang mata ni Yesa sa babaeng hawak niya. Halos atakihin na sa puso ang babae at mas lalo pa itong nagsisisigaw nang unting unting ngumisi si Yesa.

"Pakawalan mo na."

"Takutin mo kaya." Sagot niya sa'kin.

"Hindi pa ba mukhang takot 'yan?"

"Gusto ko lumuwa ang mata niya sa kakasigaw."

Hayop talaga...

Pero binitawan niya na din ang babae dahil umiiyak na ito. Nagtatakbo ang babae habang sumisigaw ng "HINDI NA AKO BABALIK SA BOOTH NIYO!!!" Nilingon ako ni Yesa ng walang reaksyon.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon