❅️ Chapter 36

86 7 0
                                    

Ryu's POV

TWO days have passed. Today is friday, the closing of the school festival. Simula nung wendesday ay dumbole ang tao sa school. Ang daming dumadayo at kung anu anong pampa-engganyo ang ginawa ng school. School's anniversary is one of my favorite part in school days. Nakakatawu ang buong paligid, lahat ay nakangiti at nagsasaya.

Sa loob din ng isang linggo, mas tumibay ang pagkakaibigan namin ni Lynn. Mas naging malapit kami sa isat isa gayong kami lang sa tropa ang magkasama. Pero naging madalas din ang pagtatalo ni Lynn at Amber na parang hindi nahihiya sa mata ng mga tao. Si Lynn ay desperadang manalo kay Amber, si Amber ay pa-cool pa din ang datingan. Ayaw din naman masira ni Ambee ang pangalan niya kaya sinasabi niyang friendly fight lang ang nangyayari sa kanila ni Lynn.

"It's the last day."

"Yah." Sagot ko kay Lynn habang nag-aabot ng orders.

"Gusto mo set up kita? Nalaman kong nagkaroon ng oras sila Daren at Yesa, ayaw mo ba ng ganun?"

"Gusto din.. pero hindi ko naman maiiwan ang booth natin."

She face me with a grin on her face. "Kaya kong gawin ang trabaho mo habang wala ka."

"Lynn, magagawa mo nga ang akin, pero hindi mo naman magagawa ang trabaho ni Yesa sa booth B."

"Ho Ho Ho Ho! Tatawagan ko si Ruby na palitan si Yesa." At ginawa nga niya.

I feel the excitement and also the pressure in me. Para akong makikipag-date kay Yesa gayong maglilibot lang naman kami.

"Done!"

"That fast?!"

Hanep..

"Sus, basta binanggit ko ang pangalan mo kay Yesa, wala ng palag palag 'yun."

Kusa akong napangiti. Tinukso tukso tuloy ako ni Lynn dahil sa pagmamadali kong mag-ayos. Any minute from now, she'll be here. Kinakabahan ako.

Pero hindi ko maalis sa isip kung anung ibig sabihin ng pagkakatingin sa'kin ni Yesa noong nakaraan. Para akong may ginawang krimen kung makatitig siya, di tulad ng dati na makakaramdam ako ng kilig kapag tinitingnan niya ako. Ibang iba..

"I set it."

"What?"

"Nothiiiiing.. hihihihi."

Naningkit ang mga mata ko sa paraan ng pagkakangisi ni Lynn. Ang ngitian niyang may ginawa nanamang kalokohan.

"R-Ryu..?" Ang boses na 'yan! Agad kong nilingon si Yesa.

"Hi. Tara na?" Pinilit kong maging normal ang dating. Pero si Lynn ay sinagi ang braso ko sabay taas ng kilay ng sabay.

"Bro!" Si Daren.. "Maglilibot kayo ni Yesa? Baka pwedeng pabigay naman nito sa ilang madadaanan niyo." Inabot niya ang ilang fliers nila.

"Sige bro."

Sa kaloob looban ko, pinapasalamatan ko si Daren dahil tinigil niya na ang panliligaw kay Yesa. Hindi ko alam kung bakit parang hindi man lang nakaramdam ng selos si Daren na kasama ko si Yesa ngayon. Hinati ko na lang ang fliers at pinahawak kay Yesa ang kalahati.

"Tattoos! Tattoos! 15 pesos only! Tattoos Tattoos!"

Nagkatinginan kami ni Yesa. Hindi naman talaga totoong tattoos iyon. Mga painted tattoos lang na parang sa mga bata. "Gusto mo?"

"Pwede din.."

Tumuloy na kami sa loob. Tinitingnan niya ang mga design habang ako ay nag-iisip ng magandang ilagay. Ano kaya kung pangalan niya ang ipalagay ko tapos mag-confess ako.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon