❅️ Chapter 29

85 6 0
                                    

Yesa's POV

KAKAPASOK lang naming tatlo sa office. Alam naming nakasunod ang iba kaya nagmadali kami sa paglalakad para hindi na sila makasunod pa pagpasok namin sa office. Pagpasok namin ay naroon ang nanay ni Felipe.

"Anong kaguluhan nanaman ba ang ginawa niyo?" Salubong sa amin ng principal.

Walang nagsalita sa amin. Nanatili kaming tahimik at tikom.

"Nasa ospital ngayon si Felipe Pralyente. Mga bata ba talaga kayo? Paano niyo nagawa iyon sa kanya?"

Kumunot ang noo ko. Humikbi hikbi naman ang mama ni Felipe. Hindi ko maintindihan ang sinabi ng principal. Maiintindihan ko kung mao-ospital si Felipe. Pero kung magsalita ang principal ay parang napakalala ng natamo niya.

"Kamusta po siya?" Tanong ni Ryu.

"Kritikal ang lagay niya dahil sa mga pasa sa ibat ibang parte ng katawan."

Ha??

Paanong naging ganoon ang kondisyon ni Felipe? Eh kaunti lang naman ang ginawa ni Zion sa kamay niya. Hindi naman niya ikakamatay ang ginawa ni Zion. Maliban na lang kung... binalikan ni Zion si Felipe.

Nilingon ko si Zion pero tahimik lang niyang iniikot ng tingin ang paligid. Napaka-inosente ng mukha, hindi kapani paniwalang may ginawa siyang karumal dumal kagabi.

"Grabe na ang mga batang iyan! Mga walang awa! Kung hahayaan natin ito ay baka lumaki silang mga kriminal!" Galit na sigaw ng mama ni Felipe.

Mas mukha pa ngang kriminal ang anak mo.

"Huminahon po kayo, misis." Binalik ng principal sa amin ang tingin. "Kailangan kong makausap ang magulang niyo."

"Mag-isa lang ako." Sabi ko.

"Hindi mo gugustuhing makaharap sila." Sabi din ni Zion.

"Wala po ang papa ko at ayokong dagdagan ang isipin ng mama ko." Sabi din ni Ryu.

"Ang dami niyong rason! I need to talk to them o lahat kayo ay ipapatalsik ko dito sa school."

"Tss. Hindi naman ata tama 'yun." Pagsagot ko.

"Prinotektahan lang po namin ang sarili namin." Si Ryu lang talaga ang gumagamit ng po sa amin.

"Saka hindi niyo nga kami tinanong kung kami ba ang may gawa nun at kung anong nangyari. You are being unfair here, miss." Pagprotesta din ni Zion.

So hindi nga si Zion ang may gawa nun. Sino?

"Kailangan pa bang tanungin kayo? Ang sabi ng anak ko ay kayo lang ang nakaharap niya kagabi!" Napatayo na ang mama ni Felipe sa galit.

Tch. Ano na ang sasabihin namin? Wala naman kaming ginawa pa sa biik na 'yun. Malay ba namin kung nagdadrama lang o nagpabugbog.

"Tatanungin kita ms. Reyagan, dahil ikaw ang tinuturo ng mga kaklase mo na madalas kaaway ni Felipe." Bakit ako? "Are you capable of doing those thing?"

Napalunok ako. "Yes ma'am."

Sabay napalingon sa akin sila Ryu at Zion, napapagitnaan kasi nila ako.

"Pero hindi ako ang may gawa nun."

"Sinoo?!"

"Aba malay ko sa anak niyo." Sagot ko sa mama niya.

"Ms. Reyagan!" Oo na ako na walang manners. "Kababae mong tao." Nahilot nig principal ang sintido niya. "Hindi ko alam ang gagawin sa'yo. Nangyari iyon sa labas ng school pero responsibilidad pa din namin kayo. Habang hindi pa napapatuyan kung kayo nga ang may gawa ng lahat ay bibigyan ko na muna kayo ng punishment."

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon