❅️ Chapter 61

110 7 1
                                    

Ruby Jane's POV

"Maraming salamat po!" Bati ko sa customers na kalalabas lang.

"Sipag mo ngayon 'teh. Anung nakain mo?" Tanong ni Lynn habang nagma-mop ng sahig.

"Kailangan ko kasing mag-leave ng maaga, may pupuntahan ako."

"Taray! May date kayo ni Yuki?"

"Wala. Hindi naman ako ang tipo ng babaeng yayayain niyang lumabas." Nahihiya kong tugon.

"Sus!"

Bumalik na ako sa kitchen para kunin ang order ng isang customer. Ipinatong ko na iyon at kinuha naman ni Ryu. Hindi siya umiimik mula kanina, may problema kaya siya?

"Sorry, hindi ito ang order ko." Atungal ng babae kay Ryu. Tumayo lang si Ryu at tinitigan ang galanteng babae. Lalapit na sana ako pero si Lynn na ang lumapit.

"Sorry po. I'll take this ma'am."

Binalik ni Lynn sa akin ang order at ako na ang nag-abot sa tunay na nag-order nun. Hinila ni Lynn si Ryu papunta sa loob ng kitchen.

'Tulog ka ba? Kapag naabutan ka ng manager sa ganoong sitwasyon, mayayare ka talaga." Pagsaway ni Lynn kay Ryu na walang sinabi. "Hoy! Nakikinig ka ba?"

"Iuwi mo na kaya siya. Baka pagod lang si Ryu." Suhestiyon ko.

"Ok lang bang mag-out tayo ng maaga?"

"Kakausapin ko si sir."

Bago ako lumabas ay sumulyap uli ako sa kanilang dalawa. Ryu looks so down, maybe he's just tired. Inaalalayan siya ni Lynn at kinakausap. Si Lynn lang naman ang nakakaintindihan niya sa amin kaya okay na sigurong iwan ko sila.

"Salamat po, sir!" Magiliw kong sagot sa manager matapos kong magpaalam.

"No problem, marami naman akong tauhan. Pero aasahan ko ang over time niyo bukas."

"Yes, sir."

"Hayys. Maganda ka at masipag, sayang at mahina ang kukute mo." Bulong niya na kunwari ay hindi ko naintindihan.

"Kung mahina po.. edi palakasin. Sasabihan ko siyang mag-exercise." Seryosong sabi ko at napailing na lang siya.

Dinala na namin ang mga bags namin at lumabas na ng shop. Wala pa ding imik si Ryu.

"Ayos ka lang, Ryu?"

"Ako na ang bahala sa kanya, Ruby, broken lang 'yan. Hahahaha! Ihahatid ko na rin siya at baka maligaw pa." Pagpapatawa ni Lynn.

"Okeey! Bye." Pagpaalam ko saka sila tinalikuran.

Ihahatid niya si Ryu?

Edi malalaman niya ang bahay ni Ryu. Those two are really close na. Wala naman sigurong magiging problema dahil mukhang nasa iba na ang pagtingin ni Yesa. Ewan ko lang, napansin ko kasi nitong mga nakaraang linggo.

I usually put bloody-red lipstick like the gemstone ruby. Kung ano ang ayusan ni Amber sa sarili niya ay ganoon din ako noon. But I am not as bratty as her. Madalas din akong layuan at mabuyo noon dahil hindi lahat ng tao ay naiintindihan ako. I'm a want to be a detective someday and my schoolmates always call me weirdo and bad luck. I'm sick of that life so I transferred to their school but I also change my personality. From a brainy and a cool one to an airhead. Ginawa ko iyon para makita kung sino ang nga taong iintindihin at kikilalanin ako.

And I think I already found them, the people that will accept me, that will be my besties.

Ryu, Lynn, Zion and Yesa.. I hope our friendship lasts forever.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon