❅️ Chapter 3

177 7 1
                                    

Yesa's POV

Simple kaming namumuhay ni Lannie. Rumerenta kami ng bahay. Ako papasok araw araw sa eskwela, siya ay magtatrabaho para may makain kami. Hindi mahahalata ang edad niya dahil nananatiling makinis at bata ang mukha ni Lannie. Dumagdag pa sa ganda niya ang pagngiti niya. Lagpas balikat ang buhok niyang itim. Mahahaba ang pilik mata, hindi man katangusan ang ilong pero perpekto kung titignan. Manipis ang mga labi at ang mas kinababaliwan ng mga lalaki sa kanya ay ang malulusog nitong dibdib.

Sino si Lannie? Siya ang nanay ko. Ang masipag at napakabait kong nanay. Hindi ko maintindihan kung ano ang nagustuhan niya sa tatay kong patpatin. Sayang ang ganda niya dahil walang kwenta naman ang asawa niya. Hindi sila hiwalay, hindi din naman sila magkasama. Tumakas kami kay tatay.

"Alis na 'ko." Paalam ko.

"Yesa sandali." Tumigil ako sa paglakad. "M-Magsaing ka na lang pag-uwi mo mamaya. Mauna ka na din kumain."

Tinitigan ko si Lannie ng sandali, hinuhuli siya. Hindi siya makatingin ng diretso.

"May lakad kami ng mga kaibigan ko. Ngayon lang talaga."

"Hmm." I nodded. Lumabas na ako ng bahay at muling inalala ang sinabi niya. "Wala kang kaibigan." Kausap ko sa sarili.

Hindi ko na lang inisip kung saang lupalok pupunta ang nanay ko. Nawala na rin 'yun sa isip ko nang makapasok ako.

Natigilan ako sa paglalakad papasok sa classroom dahil kalalabas lang ni Ryu. Hindi ko alam kung ngingiti ako, kakaway, magpapatuloy sa paglakad o babatiin siya. Kumibot kibot ang labi ko dahil sa pag-iisip. Ngumiti naman siya saka nagpatuloy na sa paglakad. Parang sandaling tumalbog ang puso ko.

Nginitian ako ni Ryu.

"Bakit di ka pa pumapasok, Yesa?"

Kahit isang segundo niya lang akong nginitian pakiramdam ko sobrang tagal nun. Pwede na ako mamatay! Magkakagusto na din siguro si Ryu sa akin.

"Tangina.." mura ko habang nakatingin sa malayo.

"Minumura mo ba ako, Yesa!?" Nilingon ko si Lynn na nakapamewang pero hindi ako nagsalita. "Aba hoy. Pagkatapos mo akong murahin tatalikuran mo ako? Where is you manners, young man?!"

Pumasok na ako sa loob habang nakapatong ang kanang kamay ko sa ulo at nakataas ang middle finger. Young man? 'Nyeta siya.

Pagkabagsak ko ng bag ko, agad naagaw ni Zion ang paningin ko. May hawak siyang libro at siksik na siksik ang ulo niya sa loob ng libro. May nababasa pa kaya siya? Napatingin ako sa puting libro na may imahe ng katawan ng lalaki. May numerong 1 at may dalawang letrang C sa baba. Napataas ang kilay ko.

Hindi niya napansin ang paglapit ko dahil sa nakasubsob niyang mukha sa libro. Kinuha ko ang libro na kinagulat niya sandali.

"Hilig mo ba talagang manguha ng gamit?"

"Anung binabasa mo?" Pagbabalewala ko sa sinabi niya.

"Tss." Inagaw niya ang libro sa akin pero nailayo ko.

Alam niya naman ang gusto ko..

"Fine." Ngumisi ako dahil sa sinabi niya. "Second step na tayo."

"Malamang, palpak ang una mo." Naalala ko nanaman ang nangyari sa library.

"Hindi naman."

"Palpak." Pag-uulit ko na may diin.

"No.--"

"Palpak 'yun. Ang plano tutulungan niya dapat ako." Hindi na siya sumagot.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon