❅️ Chapter 25

86 7 1
                                    

Yesa's POV

Si Zion. Siya ang nagligtas sa'kin. Siya rin ang taong nasa ibabaw ko, ang nagbibigay ng hangin sa'kin. Matagal bago ako nakapag-react sa nangyayari.

WTF?!

Naitulak ko siya sa gulat kahit late reaction na. Naging malakas siguro ang pagtulak ko. Hindi ko naman alam na nasa gilid pa din kami ng pool, siya naman tuloy ngayon ang nahulog.

May humawak sa balikat ko at hinarap ako sa kanya. "Are you okay now?" Si Ryu.

"H-Hmm.." Pagtango ako.

"The fuck!" Nakaahon na si Zion.

"Zion." Tinulungan ni Amber at ng iba pa si Zion na makaahon.

Bakit niya ba kasi ako hinalikan?.. Kung halik mang matatawag iyon.

"Yesa, umuwi na tayo." Si Lynn.

Tinulungan akong tumayo ni Daren at Ryu. Nanginginig pa ako sa lamig ng tubig, nabigla ang katawan ko. Hindi ko na lang ininda at naglakad na lang kasunod nila Lynn at Ruby. Nakita ko pa ang daddy ni Amber na nakatitig sa akin. Kung nakakamatay ang tingin ay siguradong pinaglalamayan na ako.

Siya pa galit?

"Tara na, Zion." Hinila ni Ryu ang manggas ng damit ni Zion.

Sumunod naman agad si Zion ng walang sabi sabi. Si Amber naman ay nakahawak sa kamay ni Zion. Ang kaninang maingay na paligid ay sobrang nakakabingi na ngayon sa katahimikan. Lahat ay nasa aming pito ang tingin.

Nagmamadali na lang kaming lumabas ng bahay nila Amber. Pagkalabas ay sumakay agad kaming pito sa kotse ni Daren. Oo, nagsiksikan kami. Hindi naman kasi ganun kalaki ang kotse ni Daren. Hindi ko na alam kung nasaan si Lannie. Pero sa tingin ko ay okay naman siya dahil kasama niya ang pamilya namin.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Amber pero walang sumagot.

"Kaya pala hindi ka sumasama sa'kin noong niyaya kitang lumangoy.." aniya Daren.

"You can't swim?" Hindi ko sinagot si Zion.

Kahinaan ko ang bagay na iyon..

"Pfft—BWAHAHAHAHAHAHA!"

"Sige, tawa." Pananakot ko kay Lynn.

Nang makauwi ay sa bahay kami ni Lynn dumiretso. Nagsibabaan na muna kaming lahat.

"Bakit ang dilim ng bahay?" Tulad kanina ay wala ding sumagot sa tanong ni Lynn.

Hinatid na lang namin siya sa pinto ng bahay nila. Tiningnan niya muna kami isa isa bago binuksan ang pinto.

"Ma?.. AY BUTIKI!–" Nagulat siya sa biglang pagbukas ng ilaw.

"SURPRISE!!" Sabay sabay naming sigaw kasama ang pamilya ni Lynn.

Maging ako ay nagulat sa dekorasyon na ginawa nila. Masyadong makulay ang bahay at may mga nagkalat na lobo sa sahig, maging sa dingding. May nakalagay na 'HAPPY BIRTHDAY' at may iilang pagkain sa mesa nila.

Bigla tuloy akong napaisip kung anong oras na. Nag-antay ang pamilya niya sa amin ng matagal. Kanina pa dumilim kaya siguro ay nasa 7 o 8 na ng gabi.

Pumasok na kaming lahat sa bahay nila. Si Lynn ay mangiyak ngiyak sa sobrang saya
Niyayakap niya ang buong pamilya, halata namang naiirita na si Gusy sa ate niya.

"Kayo ba'ng naghanda nito?" Tanong ni Lynn sa pamilya.

"Nagtulong tulong kami, ang mga kaibigan mo ang nagplano."

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon