❅️ Chapter 59

80 5 8
                                    

Yesa's POV

She.. really drink it.

Nilunok niya kaya? Pero paano naman mapupunta sa baso ang dyamante? De bale na.

Muli kong tiningnan si Ruby na nanonood sa harap. Kung anu anong kaekekan ang ginagawa tuwing 18th Birthday. Pinako ko na uli ang tingin kay Samantha.

"Isang bagay para malaman kung peke nga ang Samantha sa harap natin ay hindi niya kayang gawin ang mga bagay na kayang gawin ni Samantha." Saad ni Jane.

Tama siya. Pero kung lalaki si X at nagpapanggap siyang babae.. ibig kong sabihin, hindi madali iyon. Maliban na lang kung ang tauhan niya ang nagpapanggap at siya lang ang tatapos ng buhay.

"Balita ko ay magaling kang tumugtog ng violin." Sabi ni sir Rico na nasa harap.

"Naku! Nangunguna siya sa kompetisyon na sinalihan niya. Anak, tugtugan mo ang mga bisita natin." Masayang sabi ng senator.

Tumango si Samantha. Inabot sa kanya ang violin niya at tumayo sa gitna. Huminga siya ng malalim, bago siya magsimula ay parang nakita ko siyang tumingin sa akin sandali. Namamalikmata lang ata ako.

"Wooooaah!" Sigaw ng mga tao nang biglang tumugtog si Samantha.

Mabilis ang pagtugtog niya ng violin. Nakapikit pa siya na parang dinadama ang tugtugin. Hindi ba mahirap gawin ang ganyan? Nilingon ko si Jane. Mabagal siyang pumapalakpak.

Nadala ako sa magandang tugtugin kaya sobra akong nabigla nang mamatay ang ilaw. Tumigil ang tugtog at napuno ng tilian ang mga tao.

X!

"Protect the chairman!" Sigaw ni Francisco.

"Use your watches!" Sabi din din Jane na pinagtaka ko.

May umakbay sa akin at sisipain ko na sana siya kung hindi niya lang binuksan ang flashlight. Nagbibigay ng ilaw ang relo niya, si Enzo.

"Girls, huwag kayong lalayo sa akin. Kayo din sir Yuki." Sabi ni Enzo.

"Ruby." Sabi ko dahil hindi ko siya makita.

Ang senator ang target nila. Pero hindi ko maliligtas ang senator kung hindi ko siya nakikita.

"Hawak ko ang regalo mo." Boses ni Jane iyon, gumamit nanaman siya ng speaker. Saang lupalok nanaman kaya siya sa pumunta? "Alam ko kung nasaan ka, senator. Don't move and don't go anywhere! Wala kang ligtas kapag nahanap ka nila."

Tama, ganyan nga. Itago niyo ang senator sa kumpol ng mga tao. Huwag lang siya magpapakita o magsasalita dahil katapusan niya na.

"Jane, asan ka?" Tanong ko.

"Sinusundan si Sam." Parang nakangiti niyang sagot. "Di ba Sam? Impostora ka?"

Huh?

Anong ibig sabihin nito? Kasama niya si Samantha at alam ni Sam iyon? Parang walang takot si Jane kung magsalita.

"Huwag niyo ng alamin kung nasaan ako. Kapag namatay ako, sabihin niyo kay daddy I love him. Nga pala Yesa, may sniper sa kabilang building. Kayo na ang bahala."

"Hoy! Wala ito sa pinag-usapan natin!" Hindi ko na siya narinig pagkatapos ng isang crack.

"Sinira niya." Sabi ni Enzo at napamura na lang ako.

Kumilos na ang mga pulis na sinabihan ni Jane. Wala silang pinapalabas at inaayos na nila ang linya ng kuyente. Ang sabi ni Jane ay may sniper sa kabilang building na pinagtataka ko.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon