❅️ Chapter 49

77 6 1
                                    

Someone's POV

Agad kong pinuntahan si X. Ang mga ganitong bagay ay hindi namin dinadaan sa telepono. Posible kasing may makarinig sa'min na iba, kakaiba na ang teknolohiya ngayon. Mas kailangan magdoble ingat.

At bilang assistant ni X, trabaho kong protektahan si master. Gaya ng kung paano niya ako protektahan noon...

"X."

"Oh, long time no see." Nakangiti niyang pagbati. Parang hindi man lang siya nababahala.

Baka hindi niya pa alam?!

"X, nanganganib ka. The police—"

"Alam ko." He smiled again. "That makes the game exciting. Isn't it?"

"Master.." Hindi niya alam kung gaano ako nag-aalala sa kanya.

Paano kung mahuli siya ng mga pulis. Paano kung makilala ang buong pamikya niya? Gusto kong sigawan si master na umakto naman siyang normal.

"Hindi magandang itago ang takot."

"And who told you that I'm scared of being caught?"

He's still smiling. Dahil para sa kanya, laro lang ang lahat ng ito. Bilib ako sa galing niya kung kaya niya lang paikutin sa mga kamay niya ang mga pulis. But he's not taling this seriously. Kapag nakarating sa pamilya niya na nahuli siya, maaari siyang itakwil ng pamilya niya.

"Anung plano mo, X?" Tanong ko.

"Naniniwala akong hindi si Yesa ang naglabas ng impormasyon."

"Shoul I kill her, X? Para mapatahimik na natin siya!"

He stop from walking. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ko noon? Ayokong may mapahamak. Ayoko ng gulo."

"Pero X.. Ikaw ang malalagay sa panganib kung patuloy mong po-protektahan ang mga tao sa paligid mo!"

Nanlamig na ang paningin niya at nararamdaman ko ng nagagalit siya. "Manahimik ka na. Ang isang dahilan kaya hindi ako nakatira sa pamilya ko dahil ayoko na ng magulong buhay. Let me fix this. This is my game and you're just my assistant."

Pero.. "Hindi naman nararamdaman ni Yesa nararamdaman mo! Kung meron mang mas nakakakilala sa'yo dito, that's me."

"No. You don't know anything."

Nasaktan ako sa sinabi niya. Para ko na siyang batang kapatid kung ituring ko. Sabagay, isa lang akong tao na nagtatrabaho sa pamilya nila. Ang pamilya niyang pinagbawalan siyang makipag-kaibigan, kaya hindi niya ako dapat ituring na kaibigan, kun'di isang katulong.

Pero kahit anong batas pa meron sila, hindi na nito mababago ang paningin ko kay Ni. Isa siyang kaibigan para sa'kin. I am a butler and I work to a family of assassins.

"Siguradong maiisip na ni Yesa na may taksil sa mga taong nasa paligid niya."

"Tama po kayo, master."

"At si Zion ang paghihinalaan niya."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Bakit po?"

"Dahil si Zion ang pinakamalapit sa kanya. And Zion knows everything about their family."

"Master, kung hindi niyo mamasamain." Napansin ko kasing nakangiti siya kanina pa. "Sinumbong mo ba ang sarili mo sa pulis?"

"Eh? Hahahahaha!" Ginawa niya nga? "Hindi. Bakit ko naman ipapakulong ang sarili ko?"

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon