❅️ Chapter 24

81 6 0
                                    

Yesa's POV

MARAMI rami na ang bisita ni Amber nang makarating kami. Ang alam ko kasi ay ang mga kaibigan ni Amber na teenager tulad namin ay ganitong oras ang punta. Tapos mamayang gabi ay mga kaibigan na ng pamilya nila sa business nila.

Hindi ko kabisado ang bahay nila at hindi ko akalaing ganito kalaki ito. Parang kailan lang..

"Dito na muna tayo." Saad ni Daren sa amin.

Nakapwesto kami sa isa sa mga table. Aasahan kong mga isa o dalawang oras mula ngayon ay darating na sila Zion, Ryu at Ruby.

"Grabe! Ang ganda dito! Ang yaman pala talaga ni Amber."

"Hmm." Sagot ko kay Lynn.

May isang pamilyar na tao ang lumapit sa amin. Ayos na ayos ito at buong ngiti kaming nilapitan. Nakipagkamay siya kay Lannie sunod sa akin na pinagtaka ni Lynn at Daren.

"Mrs. Reyagan! Natutuwa akong makita ka dito sa party ng prinsesa namin."

"Papalagpasin ba namin ang inbitasyon ng anak mo?" Ininbita rin pala ni Amber sa Lannie, I'm sure ganun din ang buong pamilya namin.

"Magkakilala kayo, tito?"

"Yes, Daren. Dati akong nagtatrabaho sa mansion nila at matalik na magkaibigan ang mga anak namin."

Shoot!

"Daddy!" Lumapit na din sa amin si Amber. "Hello, tita Lannie!" Humalik si Amber kay Lannie.

"Hoy teh! Naintriga ako sa sinabi ng daddy ni Amber ah." Bulong ni Lynn.

Inaasahan ko nang mangyayari ito. Maliit lang ang mundo at talagang magkikita kaming lahat dito.

Umalis si Lannie kasama ang daddy ni Amber. Nakikipagkwentuhan sila sa mga iba pang bisita. Si Amber ay nakiusyoso na din sa ilang mga bisita niya pero kapansin pansin ang paglingon niya sa pinto o sa paligid. Hinahanap niya ata si Zion.

Nagkakasiyahan na ang lahat. Ang iba ay nasa pool na at naghaharutan. Nawala na din sa tabi ko si Lynn. At dahil wala naman akong balak makisaya ay naupo lang ako dito. Painitin natin ang upuan kakaupo ko.

"Yesa!" Nagsalubong ang kilay ko nang makita si Daren na hilo hilo na. Ang aga pa para magpakalasing siya. "Let's swim!"

"Ikaw na lang."

"Tara na!" Hinawakan niya ang kamay ko at hihilahin sana pero tinabig ko ito.

"Lumusong ka mag-isa mo."

"Ang sungit mo naman. Bina-busted mo na ba talaga agad ako?"

Tungkol ba ito sa nasabi ko kahapon?

"Tumigil ka nga."

"Hayaan mo siya, kung ayaw niya." Nabuhayan ang boring na boring na kalooban ko nang makita si Ryu.

Kasunod niyang pumasok si Zion at Ruby. Ang gwapo ni Zion sa suot niyang napakasimple lang. Si Ruby ay nakafitted na puting dress at nakalaylay ang buhok. Ang ganda talaga ni Ruby, kung magpapakatino lang sana iya ay baka maraming magkagusto sa kanya. Mukha kasi siyang koryana.

"Bro! Nandiyan na pala kayo." Nakipag-apir si Daren kay Ryu. "Drink?"

"No, thanks. Maaga pa para diyan." Lumapit sa akin si Ryu at pinagmasdan ang mukha ko.

Bakit ba hindi ako nag-ayos?! Ano kayang itsura ko ngayon?

"Mukhang hindi ka pa tumatayo sa pwesto mo mula kanina." Tumango ako ng marahan.

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon