❅️ Prologue ❅️

935 19 7
                                    

After a long summer vacation, ano pa ba ang susunod? Walang iba kung hindi ang pasukan. Mababakas sa mukha ng bawat estudyanteng papasok sa paaralan ng LCHS ang excitement, kaba, tuwa at saya dahil magkikita kita nanaman sila ng mga kaklase nila at ng bago nilang kaklase.

Well, normal naman siguro sa mga students ang matuwa maliban na lang sa mga takot na students. Takot dahil terror ang magiging mga teachers nila.

Halo halong emosyon ang namutawi sa pagbabalik pasukan, except for Zion. Si Zion ay kilala sa eskwela nila dahil sa pagiging malamig ng awra nito. Once in a blue moon daw siya kung magsalita. Madalas na hawak ang mga libro niya at nagbabasa lang sa klase.

Because of being an introvert person, kahit maraming nakakakilala sa kanya ay hindi ganoon karami ang kaibigan niya. Should I say... he doesn't have any friends. Ika niya, hindi niya naman kailangan ng taong mambubulabog lang sa kanya, magku kwento ng kung anu ano at yayayain siya sa canteen at magpapalibre. Ganoon daw ang mga kaibigan at ayaw niya ng pasanin. Mas gugustuhin niyang manatili sa tahimik niyang mundo.

"Yesa!!! You know I'm very very very very very very very very very haaapppyyy!! Classmate kitaaaaa!"

"Tss. Halata nga."

And that's Ayeshna or Yesa, isa ring estudyante na may malamig na awra. Kung siya ang tatanungin ay ayaw niya ding magkaroon ng kaibigan. Mas gusto niyang manahimik na lang sa isang tabi. Pero dumating sa buhay niya si Wenalynn, isang maingay na babae at binulabog ang buong tahimik niyang mundo.

Kasalukuyan silang nasa harap ng board kung saan mababasa ang list of names ng classmates nila. Kung anu ano nang ikinuwento ni Wenalynn kay Yesa na halata namang walang pakielam.

Kung si Zion ay kilala bilang tahimik na tao na mahilig magbasa. Ibahin niyo si Yesa, dahil kilala siya sa malamig na datingan pero makakaramdam ka ng kilabot sa oras na dapuan ka niya ng tingin. Kakaibang babae, pumapatol siya sa mga kaeskwelang nagtatangkang mambuyo sa kanya. Kaya't tuwing daraan si Yesa ay gumigilid na ang mga students dahil sa takot kay Yesa.

"Oh! Kaklase din natin si Zion Yeriko. Hmm, ang korni pala ng apelyedo niya?"

Nakuha ni Wenalynn ang atensyon ni Yesa. Naging matunog sa tenga niya ang pangalan ni Zion.

"Sino naman 'yun?"

"Sino, si Zion? Siya ang nawawala mong kapatid teh."

"Tss."

Gaya ng inaasahan, wala siyang natanggap na matinong sagot kay Wenalynn.

"Room number." saad ni Yesa

"Ha? Bakit? Anung gagawin mo?" inikot na lang ni Yesa ang mata dahil obvious namang pupunta na siya sa classroom nila."Number 21 sa third floor ng building na yun."

Hindi na sumagot pa si Yesa at tumalikod na. Agad namang nagbigay daan sa kanya ang mga tao.

Sa kabilang banda naman ay maaga pa sa ala singko si Zion dahil nasa classroom na siya. Nakaramdam tuloy siya ng gutom at napagdesisyunang bumaba muna. Nakasalubong niya pa sa pinto ang mga kaklase niyang kapapasok lang din.

"Is that Zion?"

"Classmate natin siya?"

"Common sense girl! Hindi siya lalabas ng classroom na 'toh kung hindi dito ang classroom niya."

"Common sense ka din! Nakita mo nang si Zion 'yun nagtatanong ka pa kaninang 'Is that Zion?' Tseee."

Like always, hindi pinansin ni Zion ang kaingayan ng mga dumating niyang kaklase. Nanlumo pa siya dahil mukhang mas maiingay ang mga kaklase niya sa taong ito.

"Si Ryu! Ahhhh! Excuse me."

"Ang gwapo niya!!!"

"Marry me, Ryu!"

"Mas maganda ang dating nila kung kasama niya si Daren."

"Look! Nginitian niya ako!"

"AAAHCCCKKKKKKKK!"

Nag-unahan na sa pagtakbo sa direksyon ni Zion ang mga babae. Nasa likod kasi niya ang isa sa male student na pinagkakaguluhan ng mga babae sa school nila, si Ryu.

Parang hangin lang na sinagi at naitulak si Zion ng mga babae saka nagtakbuhan. Dahil sa dami ng sumagi sa kanya, nawalan siya ng kontrol. Tutumba na sana siya sa malamig na sahig sa kabutihang palad ay nakakapit siya. Nakakapit siya...sa blouse ng kadarating lang na si Yesa at hindi sinasadyang mahila iyon. Nagtanggalan ang butones ng suot na pantaas ng dalaga. Hindi kinaya ng nakapitan ni Zion ang bigat niya kaya't tumumba pa rin siya sa sahig.

Parang may dumaan namang anghel dahil sa katahimikang bumalot sa buong hallway. Dahil sa pangyayari ay namuo ang galit ni Yesa. Walang nagbago sa ekspresyon niya ngunit makikita sa mata niya ang galit.

"Ow, Yesa anung nangyari sa'yo? B-Bakit bukas ang butones mo?!"

Hindi sinagot ni Yesa ang kadarating lang na si Wenalynn. Tinapunan lang ni Yesa ng tingin si Zion na unti unting tumatayo at hinihimas ang likod niya. Nang mapansin ni Zion si Yesa ay kumunot ang noo niya.

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan dahil ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang blouse ko." iyon na ata ang pinaka mahabang sinabi ni Yesa na narinig ni Wenalynn.

Ilang segundo pa ang nagdaan bago pumasok sa isip ni Zion kung anu ang nangyari. Parang mas lalo namang nabuhay ang galit ni Yesa dahil sa tingin ng mga tao sa bukas niyang blouse.

"Siya si Zion, Yesa." natatakot na ding bigkas ni Wenalynn.

Habang ang isip naman ni Yesa ay inaalala ang kwento ni Wenalynn kani kanina lang. Si Zion. Si Zion na tatahi-tahimik lang sa tabi. Si Zion na mahilig sa libro.

"Siya pala si Zion? Lalaki siya..?"

Nanatiling tahimik si Zion at nakatingin kay Yesa. Hindi sa bukas na blouse nito kung hindi sa mga malamig na mata mismo ni Yesa. Sa isip ni Zion ay sinasagot niya na si Yesa.

Yes I'm a man. Do I look like a girl?

Hindi kasi inakala ni Yesa na lalaki si Zion. Para kasi sa kanya ay tunog babae ang pangalan nito.

Dahil dumadami na ang taong nakikiusyoso sa banggaan ng dalawang pinakamalamig na tao sa school nila, napilitan na si Yesa na gumawa ng kilos. Walang sabi sabi niyang sinuntok ang mukha ni Zion. Dahil sa lakas manapak ni Yesa ay tumumba agad si Zion.

"Lalaki pala siya." muling bigkas ni Yesa. "Ang lampa."

Dinaanan na ni Yesa ang tumbadong si Zion. Gumilid ang mga students para padaanin sila Yesa at Wenalynn. Ngunit pare parehong natakot ang mga tao ng tumayo si Zion at binato si Yesa ng libro sa ulo. Nagsialisan na ang iba dahil alam nilang kahit nakatalikod pa si Yesa ay sasabog na ito sa galit.

"Anu nga uling pangalan mo?" sa unang pagkakataon ay narinig din ni Yesa na magsalita si Zion.

"Yesa." saad ni Yesa at humarap.

Pero nagulat si Yesa dahil nakangisi na si Zion at agad na dumako ang mata ni Zion sa dibdib niya.

"Naka bra ka? Babae ka pala." pang-aasar din ni Zion bago bumalik sa silid. Nawala na ata ang gutom niya dahil sa nangyari.

Nagkuyom ang kamao ni Yesa. Ang mga ngipin niya ay nagkikiskisan sa gigil. Ginagalit siya ng lalaking lampa na iyon na ang alam lang ay magbuklat ng book novels.

Zion Yeriko, you'll regret this day. You'll regret messing with me.


______
ψ(`∇')ψ
~Ashleng

When two cold hearts met (Season 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon